Indie films topic with Sid Lucero

SID LUCERO. DRAMATIC action star of our next generation. Nag-usap kami ng aktor nang masinsinan tungkol sa indie films. May kakaiba siyang paniniwala sa kalakaran ng kanyang napiling propesyon. Actually, ayon kay Sid, ang binabanggit natin na indie films, ito rin daw ang dating mga films na low-budget na maaaring hindi pinalusot sa MTRCB. At hinalimbawa niya ang mga gawa ni Lino Brocka at Mike de Leon. Pero noon, wala pa marahil tayo sa kamalayan. Oo nga naman, dahil siguro nagmula sa ibang bansa ang taguring ‘indie films’ na kinikilala ng mga film festivals ng Cannes, New York, Sundance, atbp.

Actually, maging noong ang Cinemalaya ay halos nag-uumpisa pa lang, isa ako sa imbitadong press nito, at doon ko nakausap si Director Eddie Romero. Nasa radio pa ako noong 2004, binanggit ni Direk, “Maipagpapatuloy na natin ang experimental cinema at mga pagbabago nito.” Ang tugon nga niya sa akin ay matanda na siya. Ginawa na niya ang mga nasa kalye at naranasan na niya halos lahat upang ipaglaban ang pelikula. At dugtong pa niya, “Simulan na ninyo ang pagbabago. Matanda na ako, kayo ay mga bata pa.”

Ah, tumatak nga ba sa akin ang sinabi niya kung bakit ganoon na rin ang pagnanasa ko na mapasok ang nauusong indie films? Kaya naman, ganoon na lang din ang pagtulong ko upang maisulong ito sa pamamagitan ng aking mga panulat. At pinaniniwalaan ko rin ang isang makatotohanang pagpapahayag sa pamamagitan ng pelikula.

Ayon kay Sid, “Back then, walang pinagkaiba ‘yan ‘doon sa budget or low-budget. Ah, katulad noong sa Kuko ng Liwanag, nu’ng sa Himala, mga ganu’n. Mga low-budgeted ‘yan, but they were the ones that made a mark. Actually kung familiar kayo roon sa Maynila sa Kuko ng Liwanag, makikita mo siya sa isang book na ‘1001 Movies You Must Watch Before You Die’. Andu’n pa nga nakalagay na independent film directed by Lino Brocka, photos taken by Mike de Leon. Pero noon, ini-entry rin nila ‘yun, eh. Oo, pero wala silang sinasabi na independent films ‘yun. Ngayon, ‘pag sinasabing tungkol sa kahirapan o ganito, laging ganu’n, off-beat. Pero totoo lang naman, kaya lang nagkakaroon ng bansag na indie, dahil du’n lang nagagawa ng directors, mga artists at writers ‘yung mga ‘di pinapayagan, ‘yung sini-censor. Kasi minsan ‘pag binansagan mo siyang indie, mas bukas ‘yung tao. Na may artistic side. Laging kinatatakutan kasi natin sa MTRCB, baka ang dating sa tao, masyadong literal. Ah, parang ito ang gusto ko, ito ang kuwento ko, ito tayo.”

Mukhang malalim-lalim ang mga sinasabi ni Sid sa akin. “Gusto ko nga ‘yung mga line of questioning mo Maestro, eh. Very out of the box. Wala pa akong nakakausap sa buong kwarto na ito nang ganito.”

Nang tinanong ko kung sino si Sid sa likod ng kamera, “Ako, ito na ‘yun.” Yan ang importante ,siya na ‘yun. ‘Yung iba kasi, nagsasabing nagmamaskara pa sila. “Pero ito na ‘yan, eh. Hindi naman ako nagbe-best foot forward para manligaw. Siyempre ayaw mo lang i-pakita ‘yung panget na side, ‘di ba?”

Ano ang pwede mong iwasan para marating mo ‘yun? “Selfish liars like alam kong may taping the next day, tapos alam kong hindi kami magkikita ng girlfriend ko nang buong linggo, ano ba naman ang isang araw para maiayos ang tardiness ko. Focus lang.”

Pero, panindigan mo ‘yang sinasabi mo, Sid. Sa loob ng 10 years, tandaan mo ‘yan ha? Magiging mahusay kang direktor! Gusto mo ‘yun kasi. Bilangin mo ‘yan. “Ah, 28 ako ngayon, eh ‘di magte-38 ako noon.”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleABS-CBN, hinakot ang 25th PMPC Star Awards for TV!
Next articleOFW ba ang missionary?

No posts to display