ANG AKLAT na pinamagatang Inferno ay ang pinakabagong nobela ng pamosong nobelistang Amerikano na si Dan Brown. Isa itong mystery thriller na libro na inilunsad nitong Mayo 2013. Si Dan Brown din ang manunulat ng kontrobersyal na The Da Vinci Code na isinapelikula rin. Isang fictional literary work, samakatuwid ay kathang-isip lamang.
Ang titulong “Inferno” ay hango sa isa mga libro ng Divine Comedy ng pamosong si Dante Alighieri. Naging mas matunog ito sa ating bansa, dahil sa pahina ng aklat ay nakasulat na nagsadya ang karakter ng aklat na si Dr. Sienna Brooks, isang doctor, na tila siyang naging tagapagligtas ng bida ng nobelang si Robert Langdon. Sa aklat ay sinasaad ang isang pagtatangkang panghahalay kay Dr. Brooks kung saan halos maubos ang kanyang buhok sa sobrang takot ng marating niya ang Pilipinas. Ito ay kung saan dinaanan o tinakbo diumano niya ang ‘gates of hell’ kung saan may tatlong pangit at pawisang mga lalaki na nais siyang kunin, sa lugar na hindi niya halos nakita kailanman ang matinding anyo ng kahirapan.
Sa harap ng aklat ni Dan Brown na Inferno, nakasulat ay “All artwork, literature, science, and historical references in this novel are real.” Samakatuwid, pinatotohanan ng manunulat na sigurado siya sa mga deskriptibong mga pananaw niya sa pagsasalarawan ng mga lugar at pangyayari sa kanyang aklat na ginagawa niyang totoo sa isip ng mga mambabasa.
Sa aking pananaw bilang isang manunulat, hindi man ako katulad ng pamosong sumulat nitong The Da Vinci Code at nitong huli, ang Inferno, na si Dan Brown, gumamit naman ito ng abstract na pamamaraan sa inaakala niyang pag-uusapan ang kanyang akda.
Ano talaga ang intensyon ng manunulat na ito? Kundi kumita, siyempre! Sa isang parte, ang portrayal ng ating bansa ay negatibo para sa pagtanggap ng karamihan nating mga kababayan. Isang kathang-isip ng malikhaing pagiisip ng manunulat, ngunit sa katotohanan may mga dapat nga kaya tayong isaayos at baguhin sa imahen ng ating lipunan?
VICE GANDA KAILANGAN ANG REHABILITASYON SA SARILI
ITO AY naaayon sa mainit na isyu sa pagitan ng comedian star/ TV host na si Vice-Ganda at ang premyadong broadcast journalist at TV executive ng GMA-7 na si Jessica Soho. Ang paksa ng kanyang biro ay ukol sa tanong na kung bold star si Jessica Soho ay gang rape ang dapat gawin dito.
Ang nabangit na maling biro ay naging seryosong usapin ng publiko sapagkat hindi lamang nito nasaktan si Ms. Soho kundi mga taong concern at lalo na ang mga biktima ng rape sa lipunan.
Mabuti’t madaling umunawa ang biktima ng kanyang panlalait. Ngunit, sa isipan ang mga marunong mag-isip at may talino, tila ang biro ay dapat ilagay sa tama at kung nararapat ay i-deliver sa intelligent level o pamamaraan para kung ito man ay mapuna, ito ay madali lamang mai-justify.
Kung ang isang joke ay nakasasakit ng damdamin, ito ay nakaiinsulto, at nakababastos. Samantalang kung ito ay maayos, ito ay nakakatuwa lamang.
Naging gamit kaya ni Vice ang pagiging komikero niya dati sa comedy bar? Minsan na rin akong naging laman nito, naobserbahan ko kung hindi ka marunong magtimpi at umunawa, maaaring abangan mo ito paglabas kung sakaling mainitin ang ulo mo.
Pero may pasubali silang ito ay pawang palabas lamang. Dito maririnig mo ang mga green jokes, toilet humors at mga birong ‘di mo akalain. Yamang ng aking mapanayam naman sila nang sarilinan, ito ay bahagi lamang ng kanilang trabaho.
Kaya lamang sana, kung ano mang raket natin sa buhay at ikaw ang center of attraction, tiyakin lamang natin na ang ating mga bibitawang punchline ay hindi makaaagrabyado, dahil bawat tao ay iniingatan at pinahahalagahan ang kanilang mga sarili.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia