“MAHUSAY UMARTE si Iñigo, in fairness. Talagang may pinagmanahan,” sabi ng kilalang sportswriter na si Nap Gutierrez nang makatsikahan namin.
Ang tinutukoy niya ay ang panonood niya ng Relaks, It’s Just Pag-ibig.”
“Nalungkot lang ako. Kasi, ang ganda ng movie, pero wala pa kaming sampu na nanonood sa sinehan.”
Actually, hindi lang naman si Nap ang naringgan namin ng ganu’ng comment. Nagandahan sa pelikula pero nalungkot sa konti ng nanood.
KUNG MINSAN talaga, hindi mo maispeling ang pulso ng ibang tao kung ano ba talaga ang prlikulang dapat ihain sa kanila para panoorin.
Kahit anong analisa namin dito ay feeling namin, lalabas at lalabas pa rin ang iba’t ibang rason ng mga moviegoers.
Tulad na lang ng The Trial na anlalaki pa ng mga artista at dinirek pa ni Chito Roño, hindi ganu’n kaingay sa takilya.
Maging ang The Gifted nina Anne Curtis at Cristine Reyes na kahit black comedy ay napakaganda at napaka-genius ng script at direksyon ay hindi naging super duper blockbuster.
Pero ang pakyut na Diary Ng Panget nina James Reid at Nadine lustre ay naka-P100M mark sa takilya.
Kaya isang malalimang pag-aanalisa talaga ang kailangan para makuha ang right formula nang sa gano’n ay alam na ng mga producers kung ano ang dapat nilang gawin.
Dahil kahit wala kaming datos na hawak, kaya naming sabihin na mas lamang ang mahina kesa malakas na Tagalog movies ngayon.
Ang naisip ko lang ngayon ay ibaba siguro ang entertainment tax o kung hindi puwede ay gawin ang marketing strategy ng J.Co Donuts na the more donuts you get, the cheaper the price.
So sa panonood ng sine, the more barkada na manood, the higher the discounts.
Para lang mahimok ang mga tao na manood at muling sumigla ang industriya.
Ano sa palagay n’yo?
Oh My G!
by Ogie Diaz