HETO ANG huling yugto ng rebelasyon ni Ynna Asistio.
Napakahaba ng aming naging usapan ni Ynna para maisulat ang lahat ng ito. Isa na sa kanyang tinukoy ay halos daw ang mga dating kaibigan nila ay iniwanan na sila. Pakiramdam nila ay nag-iisa na lamang sila. ‘Andoon ang palipat-lipat sila ng mga tirahan upang magkaroon ng katahimikan ang kanilang pamilya dahil sa kinasasangkutang gusot kay Annabelle Rama, pamosong manedyer ng mga artista.
Ngunit sa pagdudugtong niya, masaya naman siya ngayon sa kanilang bagong tirahan na rent-to-own. Inamin naman niya sa akin na mayroon na silang privacy bagamat maging ang kanilang mga kapatid ay patuloy nang nag-aaral matapos itong magpahinga bilang mga artista. “Kaya ngayon, ilan lang ang nakakapunta rito. Ang daming nawala simula noong nagkagulo. Ang daming nawalang kaibigan sa showbiz, ang daming nawalang ka-close na parang ‘di talaga namin matanggap.”
Papa’no nga ba nagsimula ang mga gusot na ito sa kanilang buhay at papa’nong nangyari na ang dating close na nagtuturingan na parang iisang pamilya, tila nagkaroon na ng pader sa kanilang pagitan hanggang naging personal na magkaaway ang pamil-ya ni Nadia at Annabelle. “Nu’ng nag-start ‘yung gulo namin, kinasuhan niya ako ng libel. P20 million libel case.”
‘Andoong nagbiro ako ng ‘Nak’s! ang laki-laki naman… hindi ba maaring one-m muna?’ Bagay, naisip ko sa pagiging artista ni Ynna, siguro wala pang 20-m ang kanyang kinita. “Oo nga po. Akala kasi namin, nakikipag-ayos na siya. Parang sa himig niya sa pag-aayos, hindi ganu’n ka seryoso si Tita Annabelle sa kanyang intensyong pag-aayos, kaya hindi rin sila basta naniniwala sa pamamaraang may third party upang magkasundo.”
Naramdaman daw kasi ni Ynna na nababastos na sila sa nasabing pag-aayos. “Akala niya isang tawag niya lang okay na or bibigyan niya kami ng amount ng pera, okay na?”
Tinanong ko tuloy na, ‘Ah! what do you think, nag-o-offer ba siya ng pera or nagamit siya ng another party’? “Ah ayaw ko na lang pong sabihin kung sino, pero ang dami na. Ang daming tumatawag sa lawyers namin, sa mommy ko, sa daddy, na parang ang weird lang, kasi parang kung gusto niyang makipag-ayos, eh… Ang hirap kasi parang sa lahat ng sinabi niya sa Twitter, parang hindi na niya kayang bawiin ‘yun, eh.”
Naniniwala rin siya na malaki ang naging partisipasyon ng mga taong nakisawsaw sa away nila ng kanilang pamilya at naniniwala rin siya kung hindi nito nasulat sa Twitter, hindi ganu’n lalala ang naging gusot sa hidwaan nila. “Opo kasi parang may sasabihin ka. Sasabihin nila, ‘uy, tingnan n’yo po, sinabi ni Nadia sa inyo oh’ iti-tweet nila kay Tita Annabelle. So, parang dumadagdag sila, nakikisawsaw sila para lang mare-tweet ‘yung mga tweets nila”.
Bagama‘t na-disappoint sila sa mga tinuran nito sa Twitter, ‘andu’n pa rin ang respeto niya. “Parang hindi ko lang maisip minsan na masasabi ‘yun ni Tita Annabelle kasi iba din ‘yung pinagsamahan namin. Para siyang tumayong second mom sa amin.”
Parang deep inside, gusto mo mang magsalita against her hindi mo magawa. “Hindi po, actually ang dami kong gustong sabihin talaga, hindi na para i-share ko sa buong mundo or hindi para sabihin ko. Kasi parang hindi na rin po tamang sabihin. Saka kahit parang sobrang nababastos na ‘yung pamilya ko, ‘yung mommy ko, ‘yung mga kapatid ko.”
Hindi totoong ang habol ng mommy niya ay pera dahil lahat daw na filed case against Anabelle ay walang nakalagay na damage. Ngunit sa tingin ko ay handa ring magpatawad at makipagsundo ang pamilya ni Ynna kung ang lahat ng sinabi nito Tita Annabelle sa twitter ay may public apology sa telebisyon.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For your comments and suggestions: [email protected]; cp.09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Maestro Orobia.