NAG-ROAR NANG napakalakas ang UST Growling Tigers sa Game 2 matapos talunin ang FEU Tamaraws sa UAAP Finals. Itong game 2 na ito ay talagang intense para sa parehong team. ‘Pag nanalo ang FEU Tamaraws, sila na ang tatanghaling champion sa season na ito at tila ang kanilang 20th title ng championship, at sa UST naman ay napakahalaga rin ng game na ito at kapag naipanalo nila ay matutuloy ang Game 3. At iyon nga ang nangyari, tuloy na tuloy na ang Game 3 sa December 2 na gaganapin sa MOA Arena.
Intense ang mga kaganapan sa Game 2 dahil talaga namang bilog ang bola, hindi natin masabi kung ano puwedeng maging takbo ng laro. 1st quarter pa lamang ay pareho nang nagpakita ng lakas sa depensa ang parehong team, kung saan nagtapos ang quarter na ito sa score na 13-20 lamang ang FEU. Sa second quarter naman ay 21-30 ang score, nanatili ang kalamangan sa FEU. Sa 3rd quarter naman ay nagising lalo ang UST crowd matapos magpakawala nang sunud-sunod na tres si Kevin Ferrer na naka-24 points sa loob ng 3rd quarter at tila nag-angat sa UST sa kalamangan kontra FEU. At tulad nga ng sabi nila, Kevin Ferrer is on fire! Sa 4th quarter naman, kalagitnaan ng laro ay humabol din ang FEU at tabla na sa score na 50-50 hanggang naibalik ang kalamangan sa FEU na ‘di kalayuan ay humabol din ang UST. Sa ilang minuto na lamang ay nangangamoy Game 3 na para sa UST crowd at natapos ang game sa Final score na 62-56, Wagi ang UST Growling Tigers at tuloy ang Game 3 na talagang magkakaalaman na kung sino magiging champion ngayong season.
Bukod sa intense game 2 na inaabangan nila, agaw-atensyon rin ang mga nakaaaliw na banner ng bawat sumusuporta sa parehong team. Nand’yan ang mga banner na mga nagbibigay-suporta sa kanilang mga iniidolo at paboritong university o team. Tulad ng banner na nakaaaliw mula sa UST crowd, ang “Thomasians sina Popoy at Basha, May Second Chance”, tila mala-Popoy at Basha ang game nga naman ngayon kung saan sa pagkawagi ng UST ay A Second Chance para sa kanilang ika-19th title kung sila ang magwagi. At nu’ng Game 1 naman, matapos manalo ang FEU Tamaraws ay One More Chance ang peg, dahil isa na lang at 20in15 o 20th title na nila sa taong 2015.
Meron ding mga gumawa at sinulat ay chamFEUn para sa FEU at No More Game 3 dahil gusto na nilang matapos ito sa Game 2, ngunit napigilan sila ng UST. Nand’yan din ang nakaaaliw na nakasulat sa banner na #ABDULNation, na sounds like AlDubNation.
Prepared din ang isa sa mga UST crowd na may banner na Ferrer on Fire na kanyang winagayway naman nu’ng 3rd quarter nang nagpaulan ng tres si Ferrer. Meron din na Only Belo Touches mine, kung si Dra. Vicki ba ito? Hindi, ito ang isa sa Big 3 ng FEU, si Mac Belo.
Nakatutuwa rin na tila parang Yellow Day sa loob ng Big Dome nu’ng Game 2 dahil mala-FEU o UST Crowd ay parehong mga nakadilaw na tila hindi mo alam kung sino ang UST o FEU dito, tila sa banner o sa cheer na lamang malalaman. Sino kaya ang maging champion ngayong season? Ang FEU Tamaraws ba? O ang UST Growling Tigers? Abangan!
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo