ISANG MASIGLANG Ai-Ai de las Alas ang aming nakasama nitong Sunday marking the birthday of Mama Mary, kung saan nagpamisa ang Comedy Concert Queen sa clubhouse ng tinitirhan niyang posh subdivision in Capitol Hills, Quezon City.
FYI, Ai-Ai is a Marian devotee. At taun-taon niyang ipinagdiriwang ang kaarawan ng ina ni Hesus.
We went to the event with a dual role: bilang miyembro ng select press na inimbitahan ni Ai-Ai at long-time tropa since college.
Capping the occasion was the proverbial ale and skittle (inuman at tsikahan) sa kanyang mismong tahanan, nagkataon kasing on vacation ang aming BFF na si Henry Endradora who works in Saudi Arabia who belongs to Ai-Ai’s circle of college buddies.
Sa bungad pa lang ng palatial residence ng hitad, kaagad naming napansin ang naka-park na two-tone Camarro sa garahe. Yes, ang luxury car na ‘yon that fetches millions ang “pangarap” na naisakatuparan ni Ai-Ai para sa pinakasalan niyang dyowa sa Las Vegas, si Jed Salang.
But memories are all that remain now. Ang masaya naming tunggaan (minus Ai-Ai na hindi na umiinom) was repeatedly interrupted by the comedienne’s memoirs tungkol sa kanila ni Jed, bagay na kaming mga malalapit niyang kaibigan ang nakakaalam ng higit sa kalahating porsiyento what went wrong with their marriage.
Dahil nasa korte na ang kaso, we apologize for not sharing our kuwentuhan which is best reserved among close friends. But one thing’s for sure, hindi pa man daw siya handang ma-in love muli ay interesado naman ang hitad sa lalaking inirereto sa kanya.
Samantala, Ai-Ai is scheduled to leave for the US on November 10. Doon daw niya iseselebreyt ang kanyang kaarawan sa November 21.
If plans don’t miscarry, balak ng hitad na itaon ang kanyang despedida sa Halloween, for a change.
PERSONALLY, WE feel sad for Alex Gonzaga. Somehow, we had brief up close encounters with her when she was host of Juicy on TV5.
Aliw kasi si Alex sa kanyang kikay, neneng-nene ways as though she treated her then-studio as a big playground. But as we all know, where her ate is (ABS-CBN) ay roon din ang destinasyong tinahak niya.
So far, like a detergent bar, we see a “new, improved” Alex Gonzaga na hindi lang pala swak as a showbiz talk show host, she, too, can do serious TV hosting tulad ng pinapurihan naming trabaho niya sa isang local pageant aired over ABS-CBN kung saan kalahok ang mga kabilang sa Filipino-Chinese community.
Hindi rin pinagduduhan ang comedic talent ni Alex sa isang walang-kawawaan at brainless show sa nilipatang network, dahil mukha rin naman siyang krung-krung on camera who’s being herself in real life.
But how come that given her wide gamut of talents ay madalas siyang “barilin” sa casting ng mga pinaplanong programa sa Dos? Does it have to do with her work ethic? May mali ba sa kanyang itsura na hindi raw nalalayo sa fez ni Pokwang?
Or do we assume na ang paglipat ni Alex sa ABS-CBN—despite her Ate Tony’s “supremacy”—ay hindi naman talaga tanggap?
BLIND ITEM: Mala-dramedy (drama-comedy) para sa amin ang firsthand account na mismong itsinika ng pangunahing karakter na sangkot sa kuwentong ito.
Mismong araw ‘yon ng kanyang pag-iisang-dibdib sa kanyang nobyo of more than a year. Sa hiling na rin kasi ng boylet kung kaya’t napapayag ang ating bida sa itinakdang kasalan sa labas ng bansa, famous for its world-class entertainment with matching casino.
Alas-kuwatro ng hapon ang scheduled wedding, but while the bride-to-be thought that there wouldn’t be any hassle sa kanyang altar date ay ikinaloka niya ang insidenteng naganap sa kanila ng kanyang dyowa bandang ala-una ng madaling-araw that same day.
Hindi na rin kasi bago ang noon pa pala’y pisikal na pag-aaway nila, something that our bida had managed to keep under the rug sa pag-asang titino ang kanyang dyowa kapag naikasal na sila.
Sana’y walang halong exaggeration ang tsika ng ating bida, pero sa matinding pag-aaway nila ng kanyang pakakasalan in the wee hours of the morning—ayon sa kanya—tinakpan daw ng unan ng kanyang groom-to-be ang kanyang mukha.
Despite the fight, natuloy rin ang kasal. Ay, ang cheap!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III