BLIND ITEM: ‘PAG nababanggit ang pangalan ng isang tinagurian nang international star sa harap ng isang movie at record producer, isa lang ang aalingawngaw na dayalog nito, “Utang na loob, ‘wag n’yong mabanggit-banggit ang pangalan ng malditang babae na ‘yan. Pati ‘yung nanay niya, utang na loob!”
O, ayan, meron na kayong idea kung sino’ng tinutukoy rito, ha? Grabe, lumaki na raw kasi ang ulo ng mag-ina. Kayang-kaya na nilang mang-indiyan ng appointment.
Tulad na lang nu’ng one time. May mga inimbitang pinagpipitaganang guests ang malaking network, hoping na darating ang international singer.
Nandu’n na ang mga bisita, pero wala pa siya. Asan na ba ang babaeng ‘yon?
Tumawag sa madir ang isang staff para alamin kung saan na sila banda.
“Andito kami sa Tagaytay, nagpapahinga, baket?”
“Naku, mommy, eh, alam n’yo naman pong merong commitment ang anak mo rito, eh!”
“Ay, hindi ko alam. Nagpapahinga lang kami rito, eh!”
Juice ko, mula noon, isinumpa-sumpa na ng mga executives ang international singer. ‘Yung isa ay nagsabi pa na, “Sana, ‘wag na siyang lumaki, tutal, ang ulo naman niya ang lumalaki!”
Aba, kung lumaki na talaga ang ulo ng mag-inang ito, dapat, siguro’y ipa-Oprah nila ang kanilang hydrocephalus.
SAYANG, HINDI KAMI nakahingi ng litrato ng anak nina Lian Paz at Paolo Contis nu’ng dalawin namin sila sa St. Luke’s kahapon. Juice ko, ang bagets, mestisang-mestisa. At kamukhang-kamukha ni Paolo.
“Hindi ko alam ‘yung feeling ko, nu’ng una kong makita ang anak ko. Mixed emotions. ‘Eto nga, getting ready sa puyatan, dahil hands-on kami ni Lian kay Xonia.
“Hindi rin kami nagpadalaw sa mga kaibigan para makapagpahinga rin ang lola mo.”
Ang binyag ay sa June na gaganapin at siyempre, ninong kami ni Xonia.
Mixed din ang emosyon namin. Natutuwa kami, dahil napili kaming ninong. Nalungkot kami, dahil inaanak ni Paolo ang panganay namin. Baka ang ending nito ay mag-exchange gift lang ang mga bagets.
Ha-ha-hah!
BINATI NAMIN SI John Estrada nu’ng isang araw. Kasi nga, bonggang-bongga ang reception ng mga televiewers sa Agua Bendita. Kaya isinabay na rin namin ang pangungumusta kung kelan na maggo-grow up itong si Agua Bendita.
“In two weeks’ time, lalaki na si Agua, magiging Andi na siya!”
O, see? ‘Yun naman pala, eh. Pero ang nakakalokah, what if pumalo pa rin nang bonggang-bongga sa ratings game ang naturang teleserye ng taong-tubig?
Ano ‘yon, ie-extend ang pagkabata ni Agua? Na naman?
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa online, www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Ms. F, Rommel Placente at Eric Borromeo.
Oh My G!
by Ogie Diaz