Guess who? Sino ang teenager na sumikat sa ibang bansa na sa history niya ay isang “false voice” ang nag-post ng videos niya sa Youtube? Ohwws… sosyal, huh! Nagkaroon tayo ng pagkakataon na makausap ang international singing sensation sa Entertainment Live! ng ABS-CBN, na walang iba kundi si Charice Pempengco.
Whoah! Kuwidaw, ha?! Nanay-nanayan pa itong si Oprah Winfrey, ang sikat na host sa Amerika.
Ano ang pakiramdam mo ngayon na isa kang sikat na singer sa ibang bansa lalo na sa US? “Kasi po para sa akin, parang dati dream ko lang ‘to. Ngayon, parang ang bilis-bilis, parang sa loob lang ng two years, ‘andami na pong nangyari. Parang kahit ako, hindi makapaniwala sa mga nangyari. Katulad po ng biggest dream ko na makasama sa concert si Celine Dion.”
Awws! Ayon sa biography ni Charice, dati ay gusto niyang manalo para lang magkaroon ng pagkain. Ano naman ang mga nami-miss mong gawin ngayon na sobrang busy ka? “Wala naman pong masyado, basta ang lagi ko lang ginagawa at saka libangan naming magkapatid, eh , PS3, internet, ‘yun po. Lagi po akong nanood ng videos sa Youtube.”
Anong normal schedule mo sa isang araw? “Tuluy-tuloy ang rehearsals at puno ang time ko for the whole day.”
Kumusta naman si Mommy mo, ok lang ba? Hindi naman mahigpit? O kaya maingay? “Hahahaha, hindi naman po, iyon lang po, kapag medyo tanghali na, sisigaw nang, ‘Gising na, ano, tanghali na! Mag-ayos na kayo’ hehehehe. Alam ninyo naman pong tatlo lang po kaming magpapamilya. Si Mommy, iyong kapatid ko pong lalaki at ako.”
Ano pa ang wish mo? “Ay iyon po, iyong mabilhan ko pa si mommy ng bahay.”
Palagay ko tulad ni Manny Pacquiao, ganu’n kasikat si Charice. Sagot niya, “Ay opo, gusto ko din po iyan, iyong boxing!”
Haaay ‘di nakuha ang mean to say ko hahaha… at gusto pang maging boksingero. ‘Wag na lang kaya’t magkabangas-bangas ka.
Wala ka bang kakaibang nararamdaman bakit nangyayari na ganoon ka sumisikat? Parang something up there? “Ay opo, totoo po iyon, parang talaga pong may kakaibang force na nu’ng una sabi ko, ‘makakausap ko si Oprah.’ Ayun na nga po, nag-guest ako sa show niya, tapos kay Ellen Degeneres. Iyong paborito kong si Celine Dion, naisip ko lang po siya, after ilang days, me nagsabi na magkakaroon po kami ng concert.”
Ano pa ba ang gusto mong patunayan bukod sa pagkanta, o kaya iyong ibang dreams mo? “Ay ako po, ang totoo, gusto ko ring mag-artista para ipakita iyong iba ko pang talent tulad ng pagsayaw at pag-arte.”
Uuuiy… why not?! Oh, mga producer diyan! Baka naman kursunada ninyong kunin si Charice. Sa kabila ng lahat, nakita ko pa rin ang isang Charice na bata, na tila naglalambing sa isang ama. Go ahead Charice, FLY HIGH and make us Filipinos forever proud. Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and or suggestions, email us through [email protected] and or [email protected]