Interview: Jose and Wally

JOSE AND WALLY, parang tambalang ‘di man sila mai-compare kay Babalu at Panchito, or comedy King Dolphy at Panchito, tila sa makabagong panahon, sinusubukan ng dalawa na makuha ang upuan ng komedya. At ‘di naman sila nabigo, dahil kailan nga lang, nagkaroon sila ng  pelikulang Scaregiver, at mainstay pa rin sila ng longest-running noontime show na Eat Bulaga bilang alalay nina Bossing Vic Sotto. Bagaman, ‘di na talaga inabot nina Jose at Wally ang kasikatan ng tatlong walang kupas na Tito, Vic & Joey noong dekada 70 at 80.

Totoo ba na ang mga komedyante eh, seryoso talaga sa tunay na buhay?

Wally: Ah, siguro pagdating sa bahay. Pero on the opposite side, ang hindi nakikita ng tao halimbawa ay ang hobby ko na firing at mahilig ako sa PSP.

Bukod sa pagiging komedyante, anong role ang gusto mo?

Jose: Siguro kung mabibigyan ng role, anumang puwede. Pero nagdrama na ako sa Magpakailanman. Dalawang istorya na rin ang ginawa ko, iyong tungkol kay Bert Tawa Marcelo at sa isang probinsiyanong nanlilimos sa kalye.

Paano mo narating iyong ngayon?

Jose: Ah, PA muna ako bago naging floor director. Mahilig talaga akong sumayaw at iyong uncle ko sa Clover noon. Madalas akong isinasali ng nanay ko sa mga contests.

Mukhang maraming raket ito, ah! Hahaha. Inamin din ni Jose na buskador siya at ‘yun ang puhunan niya. Masayang nakaka-alaska, kaya inoperan siya ng Eat Bulaga.

Jose: Bawal makita ang floor director sa TV dati sa anumang network, pero sa ‘di inaasahan, sumabit ang microphone kaya nakita ako sa TV kaya doon nagsimula ang ideya. Sa akin bale na-experiment iyon, at si Tony Tuviera ang  nakaisip ng mga ganu’n. Kaya bandang huli, ako iyong floor director na puwedeng makita.

Hahaha… ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, send an e-mail to [email protected] and or [email protected]

Previous articleResolusyon sa kaso ni Katrina Halili, ilalabas na
Next articleFacebuking: Ronnie Liang

No posts to display