Isang matalino, a college dean’s lister at high school valedictorian, mula sa angkan ng mga kilalang artista at recently, diumano’y may nakakitang nakipagdate sa isang DJ sa Greenbelt, Makati. Ah talaga? At inamin naman ng maganda at matalinong actress. Eh, date lang pala, malay natin nakipag-chikahan lang ‘di ba?!
Bago nakilala ang isang Marian Rivera, mayroon na munang tambalang Dingdong-Karylle. Ngunit dumarating na kailangang palitan ang isang love team para maiba naman sa panlasa ng masa. Ang ‘brain and beauty’ na ito, lagi kaming nagkikita, lagi kong sinasabi na iinterbyuhin ko siya, panay naman ang tango at nakangiti, nagsasabing “sige” kanya lang maya-maya lang, tinatawag na siya sa mabilis na pacing ng show to perform.
Nang mapasyal tayo sa studio ng Entertainment Live, walang arteng pinagbigyan tayo ni Karylle. Matanong nga natin, what’s your other side as an artist? “Mahilig akong magsulat. I love writing poems, I compose.”
What are your inspirations? “When I’m in a vacation trip, I always bring iyong malaking notebook at saka iyong ‘sarong’, para, let say nasa beach ako, may ilalagay ako ‘to sit on,’ then I start writing. In the morning, I’m reading from the pages of noted poems and I learned this exercise from Jim Paredes, para pagkagising ‘no erasures’, spontaneous you clean trashes; mind negative pop-ups.”
Whooah! Tingin ko masyadong organized itong si Karylle, at bagama’t isang artistang magaling sa pag-arte bilang atista, ‘di naman maarte ng imbitahan ko at mainterview.
Other hobbies? “I regularly warm up. I love walking around. When I spend time outdoors like when I walk my dog, I really enjoy talking to people, because I want to meet approachable people not that they think I’m a celebrity but a normal, regular person. I really want to build common connections.” Upcoming stints? “I am doing Komiks Present: Mar’s Ravelos: Nasaan ka Maruja? with ABS-CBN and coming soon is Dahil May Isang Ikaw with Jericho Rosales and Kristine Hermosa.”
Kulitin nga kaya muli natin. Ano ang una mong ginagawa pagkagising, nagtu-toothbrush ka ba o kumakanta? “Toothbrush muna, Hehe. Then, I take honey lalo na kung may kati iyong throat ko lalo na kung may change of weather. Usually naglalagay ako ng lampin”. Lampin? Saan kaya yun? Hu? Kala ko ‘pag nag-change ang weather, ‘pag malamig nagwewee pa. Hahaha! To protect my throat ah… yung lampin nilalagay ko sa sa leeg ko.”
‘Kala ko naglalampin pa itong si Karylle. Maiba kaya ng tanong. Your comment about Dingdong Dantes at ang sweetness nila ni Marian Rivera? “No comment. He’s no longer in the picture so I don’t want to talk about it anymore. I have moved on. For me, it attributes on how you take your life…” Kaya naman ang sagot ko, “I think you’re just an educated person.” Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
by Master Orobia