MINSA’Y NAGTUNGO ako sa sa isang jobs fair dito sa aming lungsod. Nag-apply ako sa isang manning agency para maging seaman. Pauwi na sana ako nang sabihan ako ng tao roon na mayroon din silang land-based na ahensiya na tumatanggap ng aplikante para sa Canada. Nang tanungin ko kung lisensiyado iyon, sabi nila’y hindi pa pero pinoproseso na ng POEA. Anila’y interview lang naman ang gagawin nila para maisama ang pangalan ko sa files nila. Nag-file po ako ng application. Okey lang po ba ang ginawa ko? — Jimmy ng Mandaluyong City
KAPAG ‘DI pa lisensiyado ng POEA ang isang ahensiya, ito ay hindi pa puwedeng mag-recruit. Kapag ito’y nag-recruit, maaari siyang kasuhan ng illegal recruitment. Kahit pa tawagin nilang interview lamang ang isinasagawa nila. Ang pag-i-interview ay bahagi na ng recruitment.
DATI NA po akong nag-apply sa isang ahensiya na lisensyado naman ng POEA. Kamakailan ay nagbayad ako ng documentation fee. Pero huli na nang malaman ko na natanggalan na pala sila ng lisensiya. Guilty po ba sila ng illegal recruitment? — Diana ng Los Banos, Laguna
DEPENDE. KUNG naningil sila ng fee matapos na matanggalan sila ng lisensya, illegal recruitment na ‘yun. Ganunpaman, kung ang siningil nila ay para sa trabaho nilang ginawa bago sila binawian ng lisensiya, hindi ito maituturing na illegal recruitment.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo