NATAPOS NA naman ang taong 2011. Tiyak marami na naman ang New Year’s resolution. Ang mga tradisyong mga paniniwala nating mga Pilipino. ‘Yung iba nga riyan, may mga bilog-bilog, polka dots or mga bilog-bilog na mga pagkain. Basta hugis bilog, kasama na roon ang bola-bola. He-he. Hindi bola! Naks! Basta Happy New Year, sa mga kaparatsi natin. ‘Di bale ito ang ating paunang taon 2012 na i-feature sa ating Larawan sa Canvas.
Si Derrick Llander Crimarco Monasterio. Filipino -American Jaimacan actor, dancer and singer. Nakakatuwa naman ang mga batang aktor tulad ni Derrick na makakahuntanan mo. Pakiramdam ko, nagiging kaseng edad ko lang sila, lalo naman kahit nagbibiruan kayo, ‘andu’n ang respeto nila sa ‘yo. Para bang magulang, parang kuya, kaya nga ganu’n din ang respeto ko sa kanila.
Umpisahan na natin ang kulitan! Tinanong ko kung sino ang naka-discover sa kanya. “Ah, nakita lang po n’ya ako sa kanto na nakahubad at sabi niya ay guwapo!”
Weh, ‘di nga?! Ah, tine-train ka n’ya dati pa, kaya ka na-discover? “Ah, hindi po. Dati na kasi po ako sa theater club sa school kaya medyo sanay na po ako.”
Ah, ganu’n naman pala. Ano at kinatutuwaan mo si Barbie Forteza? “Wala po nakakatuwa lang po.”
Nakakatuwa kasi ‘yung magandang mukha, ano? Parang hawig kayo. Crush mo rin ba siya? “Ay, hindi po.”
Ano ang turing mo, kapatid lang? “Kapatid po.”
Ah, kasi mga bata pa, eh. Paano kung crush ka n’ya? “Puwede rin.”
Sinong crush mo? “Hmm… si Sarah po?”
Geronimo o Sarah Lahbati? Hehe.“Ang ganda po ‘no! Panalo po ‘di ba?! Hihihihihi!”
Ayon sa kanya kahit may edad sa kanya ng dalawang taon ay okey lang naman daw. Kasi 16 pa lang siya at si Sarah ay 18 years old! Paano mo nagustuhan s’ya? Ah, painter ako, alam ko at tinitingnan ko kung ano ang maganda sa kanyang anatomy. “Lahat po, ‘di ba?”
Ah, ikaw imaginary, paano mo siya tinitingnan na maganda? “Prinsesa ng mga Kokak. Para siyang mabait na maalaga, ‘di ba po?”
Ay, oo, kasi ‘pag nakikita ko ‘yan, nagki-kiss talaga ‘yan, eh. ‘Yun lang ang bayad sa amin, ‘yung batiin ka at mag-kiss sa ‘yo okey ka na, masaya na kaming mga writer! Uy, huwag kang magki-kiss sa akin, ha?! Maging bading tayong dalawa. Haha! Kulitin pa natin, total makulit din, hehe. Ano ang mga roles pa na gusto mong gawin. “Ah, gusto kong maging bakla.”
Echos! Haha! Biro ko sa kanya. Dagdag pa niya “There! Parang challenging maging bakla. Laging binubugbug-bugbog, ganu’n. Ah, gaya nu’ng si Maximo Oliveros.”
Ah, ayun naman pala, na-challenge siya kay Maximo Oliveros… este, kay Remington. Bagay, ang galing ng paggawa ng echos ni doon ni Mart Escudero, bigay na bigay. Haha. “Ah, si Remington po….”
Ano, challenging ba ‘yun? “Challenging po.”
O, totoo naman? “Ay, hindi po, ah!”
Ay, hindi! Ibig kong sabihin, challenging talaga ‘yung role. Although si Dolphy noon, ganoon. Pero sa ngayon, ano ang gusto mong pino-portray bukod doon sa bading-bading? Kung sakaling bigyan ka ng break, ano pa ang gusto mo? “Ah, gusto ko po…”
Action ba o comedy, o drama? “Ah, ‘yung parang Robin Padilla po.”
Waaaah! Ah, nu’ng parang panahon ni Robin parang nagpapatawa tapos biglang a-action. Ah, oh, sige sino ang mga idol mo pagdating sa action? Philip Salvador? Rudy Fernandez? “Ah… ako rin hehe!”
Mabigat! Heavy ka men! Ayon sa kanya, patuloy ang workshop niya at ang kayang nakaraang project ang The Road at My Househusband. Yeah!
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia