Kailan lamang, isang comedian artist ang naging sentro ng usapan dahil marahil sa isang pagpapatawa na tila ‘di niya akalain na ikagagalit ng ating mga kapatid na taga-Baguio. Dahil sa tila maanghang na birong ‘Tao po ako hindi po ako Igorot.”
Ngunit abot- abot na rin ang kanyang paghingi ng paumanhin sa binitawan niyang salita na ayon daw sa kanya’y bahagi lang ito nang pagpapatawa niya at ‘di niya sinasadya. Ikinagalit ito ni Councilor Greg Bagbagen at idineklarang “persona non grata” si Candy dahil sa maanghang na biro na tila insulto ito sa mga taga Baguio at pina-ban ang kanyang mga palabas sa mga sinehan. Nang ma-interview ko siya, nakiusap siyang kung maaari, ‘wag nang ‘yun ang topic marahil ayaw niyang lumala ang iskandalo.
Umpisahan na natin ang one on one. Napapanood kita sa mga show mo ah, patawa ka, kelan ka nagsimula? “Ah, 15 years ago, galing ako sa Teatro sa UP, after Theater, nagdi-diretso na.” ‘Tila naalangan si Candy sa pagsagot lalo’t alam niya Parazzi ang nagpapanayam sa kanya. Ano iyong tunay na Candy in person? “Ah, I’m a very jolly person, I’m very candid, am full, sabi nga nila, I’m energetic and full of passion. I used to be. Haha.”
Ano ang typical day ng isang Candy Pangilinan? “I wake up in the morning, I brush my teeth.” Hahaha…so you’re really candid? Kasi nandun iyong totoo, nandun iyong realidad, nandun iyong nakakatawa, kasi lumalabas iyong pagiging ‘existentialist’ ng isang tao, trying to live a life, trying to survive, really dun lang iyong araw-araw lang na gustong sumakay ng isang tao sa LRT, gustong magtulakan, I think ano iyon eh, you always see the other side of the coin eh, yong realidad ‘yan eh, depende ‘yan on how you see things , either masakit mong tatanggapin o positibo mong tatanggapin, kumbaga looking at a glass, is it half-filled o half-empty. Ganun lang ‘yan, “hindi ako nakasakay ng jeep kasi puno na, malamang kasi may antot iyong katabi ko.”
Hay, Candy mamaya ireklamo ka din naman na may antot. Anyway, tawas lang ‘yan na dinikdik, ‘wag mo lang ipahid ng basta at baka magmukha itong pulburon. Extra ko din ah, ako natuklasan ko na ang Pinoy Balut, eh, brief pala iyon. “Bakit?” Ah, kase iyong pinoy, eh ito ibinalot, kaya ang tawag sa pangbalot brief haha…iyon ang brief. Napatawa din si Candy. Bilang komedyante ka na, ano pa iyong bagay na nakakapagpatawa sa iyo? “Mababaw akong tao, maliit na bagay natatawa ako lalo na sa mga taong hindi nagpapatawa.”
Natawa din ako sa sinabi niya. Hahaha. ‘Di ba nakakatuwa iyong mga taong hindi nagpapatawa? Nakatingin na tinanong niya sa ‘kin. Dito ko nakuha ang pagpapatawa nga naman spontaneous at maaring magkamali sa pagbigkas at maaring iba ang nasa isip. Kamakailan lang, nangako raw itong si Candy na magraraise ng fund para sa mga kapatid nating Cordiliarans na ito umano’y tulong niya.
Sa akin marahil, isa itong lesson sa atin na bago tayo magsalita o humarap sa mga pagpapatawa sa isang lugar, mabuting tingnan muna natin ang lugar, ang population, ang kultura, ang mga paniniwala o religions. At ‘wag nating kalilimutang lagi sa biro, andu’n pa rin ang respeto, upang maiwasan ang mga ‘di inaasahang pagkakamali. Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
ni Maestro Orobia