Inupahang damage control group, ‘Di magawang isalba ang image ni Kris!

SEQUEL PO ITO sa isinulat ko tungkol sa incompetent manager na si Leo Dominguez noong Lunes who, for some strange reason, has an axe to grind against Startalk. As expected, hindi ‘yon pinalampas ni Lolit Solis, having seen the birth of the show back in 1995 and for the record, is the longest-running showbiz-oriented talk show on Philippine TV!

Agad tinawagan ni ‘Nay Lolit si I.M. (short for incompetent manager, well, let this be Leo’s alias from hereon), inaway-away sa telepono, pero itinanggi nitong pinalalayas niya si Rocco Nacino dahil mawawalan ito ng career kung magpapatuloy ito ng stint sa Startalk. Natural, nang masukol, humanap ng palusot si I.M. (hmmm, come to think of it… “I” can also stand for Intrigero, Intrimitida, Ilusyonada, even Inflated!)!

Sa pag-iimbestiga namin, nagtampo raw itong si I.M dahil ‘yung simpleng hiling daw niya noon sa Startalk na promo guesting for the movie Sagrada Familia was declined. But when we checked, napaunlakan naman pala si I.M., so bakit kailangan pa niyang siraan ang Startalk?!

Ang lakas naman ng tama nitong PROFIT, este, PROPHET of doom na ito, ha?!

KRIS AQUINO’S WELL-OILED PR machinery came a bit too late, mas inagahan pa sana niya ang pag-uupa sa kanyang mga “cheerleaders” even before issue with James Yap came out. Nagiging obvious tuloy na smear campaign against James ang kanyang pakay sa inilunsad niyang grupo ng mga publisista more than highlighting her back-to-work activities in showbiz that everybody thought she had given up.

Tulad ng isang ninang na hindi na umabot sa binyag ng inaanak kundi humabol na lang sa kainan, Kris’s “damage control group” is creating more damage than control. Hindi ito nakatutulong para mabura ang public perception na marami ring atraso si Kris kay James, let the issue be a two-way affair where both parties are to blame for their separation.

At kelan pa, if I may go back in time, kinailangan ni Kris ng press, gayong she has never been the Press’ Darling? Enough of this hypocrisy! For the longest time, Kris has been suffering from selective amnesia. Naturalesa na niya ang umismid even at the most familiar faces among the press depende yata on her menstrual cycle!

Tigilan mo na ang kaipokritahan mo, Kris!

WELL, ON TO more real issues.

Final na nga bang si Mylene Dizon na ang choice to be Ryan Agoncillo’s partner in TV5’s soon-to-be-mini-series na Lady Dada? Previously, ikinonsider si Mikee Cojuangco but her busy schedule wouldn’t permit her.

Then came Precious Lara Quigaman na hindi rin pumuwede for some reason. Hindi naman sumuko ang staff ng Lady Dada, which will also star Keempee de Leon, which finally settled for Mylene. Ang mahalaga lang naman kasi, Ryan gets to fulfill his assignments with TV5 lalo’t ang itinuturing na flag carrier ng Kapatid Network ay ang kanyang Talentadong Pinoy.

Hindi rin magiging conflict ang sisimulang mini-series ni Ryan, which will allow him to look after his wife Judy Ann Santos who’s expecting to give birth in October. Dadang-dada si Ryan!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSa paghingi ng sorry ni Angelica Gretchen, nabunutan ng tinik!
Next articlePagpapakasal ni Krista, isa na namang pagkakamali! – Gloria Sevilla

No posts to display