Inuumaga sa Twitter
Sharon Cuneta, sobrang depress?!

KUMPIRMADONG TINANGGALAN na ng lisensiya bilang doktor si Dr. Hayden Kho. Kaya aalisin na rin namin ang tawag sa kanyang “dok” bilang pagsunod sa batas. Charot!

Anyway, alam naming malungkot si Hayden sa naging desisyon na ‘yon ng samahan ng mga doctors, pero cheer up, Hayden. You’re still blessed.  Lisensiya lang ang tinanggal sa ‘yo.  Ang “ari” mo, nandiyan pa rin.

DUMATING NA si Billy Crawford dito mula sa two months nitong bakasyon at trabaho sa France, pero hindi pa masyadong makalakad nang bonggang-bongga si Billy, dahil meron siyang dating show nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villarroel sa tuhod.

Kung ano ‘yon, hulaan n’yo.

Anyway, sinusulat ito’y hindi namin alam kung tapos na o hindi pa ang operasyong ginawa sa tuhod niya. Sabi nga namin sa girlfriend na si Nikki Gil, “Hindi mo naman inisip na dahil sa kaluluhod ni Billy sa ibang babae, kaya nagkaroon ito ng cyst sa tuhod?”

“Hahahaha! Gagah!  Ikaw talaga!  Hindi naman! Hahaha!”

Ayon kay Nikki, sa Saturday ay mapapanood na uli si Billy sa It’s Showtime, pero hindi pa ito puwedeng humataw nang bonggang-bongga sa floor.

MAY NAGTANONG sa amin sa twitter kumbakit si Sharon Cuneta ay inaabot nang hanggang alas-kuwatro o ala-singko ng umaga sa pagtu-tweet na dapat, dahil celebrity ay nagpapahinga na raw.

Sabi pa nito, “It’s one sign of depression”.

Gano’n ba?  Siyempre, hindi naman kami psychiatrist para tanguan ‘yon agad-agad, ‘di ba?

Kasi, hindi rin natin alam kung hapon natulog si Mega, tapos, nagising siya nang gabing-gabi kung saan tulog naman ang karamihan sa atin.

At naniniwala kami na nag-e-enjoy masyado si Mega sa Twitter, kaya halos lahat na lang ng nagtu-tweet sa kanya ay isa-isa niyang sinasagot o pinasasalamatan. Maging ang mga nang-ookray sa kanya, sinasagot din niya.

Sino naman tayo para makialam sa makapagpapasaya ke Mega, hindi ba? Marami siyang oras at kahit nga hindi na magtrabaho ‘yan, hindi naman ‘yan magugutom, dahil noon pa ay super yaman na ng aktres. Nandiyan pa ang senador niyang asawa, kaya kahit gawin pa niyang unan ang laptop o iPad niya hanggang sa makatulog siya eh, wala tayong pakialam.

Kung “depression” man ang basa ng iba sa pagpupuyat ni Sharon, tanging si Mega lang ang makasasagot niyan. Pero Twitter account niya ‘yon, eh. Anuman ang gawin niya du’n, wala tayong pakialam as long as handa lang si Mega sa mga “batikos” kung paanong handa rin niyang pasalamatan ang mga pumupuri sa kanya.

ANG AKALA namin, sa Walang Tulugan lang siya kasali. Kasali rin pala ang aming kaibigang si Ken Chan sa Just One Summer movie nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, at ang role niya’y kabarkada ni Elmo.

Ipino-promote din ni Ken ang kanyang webenovela (sa online lang napapanood) na may pamagat na “Face My Love Pond’s” na pwede n’yong buksan ang link – http://t.co/uRfUzXs .

Mabait na bata itong si Ken. Siya pa mismo ang lumapit sa amin para ipakilala ang sarili nu’ng minsang magsalubong kami sa isang coffee shop at doon na nagsimula ang aming love story… este, friendship.

Hahaha! Good luck, Ken!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleKristoffer Martin, ‘di malilimutan ang karanasan sa Baseco
Next articleCharlene Gonzales at Aga Muhlach, proud sa takbo ng buhay ni Luigi Muhlach

No posts to display