HINDI RAW LOVELIFE ang dahilan kung bakit masaya si Sam Milby ngayon. Iba kasi ang aura niya nang makakuwentuhan namin sa media launch na ginanap kamakailan sa Encore para sa kanila nina Daniel Matsunaga at Fabio Ide bilang mga pinakabagong endorsers ng Blue Water Day Spa.
“I’m happy knowing na sobrang blessed ako,” aniya. “Five years into the business, nandito pa ako, may trabaho pa ako. And I’m now doing a project na ang ganda, ‘yong Idol na I’m with the biggest female lead na si Sarah Geronimo.”
Inaasahan na raw niya ang posibilidad na sila naman ni Sarah ang i-link sa isa’t isa. Lalo pa’t may nasabi siya lately na crush niya ang dalaga.
“Dati-dati pa, sinasabi ko na, na crush ko siya. Even before the project was planned. So a lot of people are thinking na dahil may project kami, sinasabi ko ito. Pero dati pa talaga, I’m a fan of hers. She’s nice naman and I enjoy working with her.”
Natanong din namin kung ano ba ang kanyang reaksiyon sa balitang break na raw ang ex-girlfriend niyang si Anne Curtis at ang karelasyong foreigner nito.
“Ako… I wouldn’t know. I mean friends pa naman kami ni Anne pero hindi kami nag-uusap nang regular or anything like that.
“Nagbaba-tian kami sa ASAP. Pero very few time na nagti-text kami. It’s been a while, we don’t talk that much at all. I wouldn’t know kung nag-break na sila o sila pa rin o ano ba talaga.”
On his part, sarado na ba ang pinto niya for Anne o sa possibility na maibalik ‘yong dating pagtitinginan nila?
“Hindi naman. Pero, uhm… parehas kaming nag-move on na, hindi ibig sabihin na closed ‘yong doors namin. Siyempre anything can happen in the future. Ngayon we don’t even talk that much so… ‘yon lang.”
Kung sabagay, meron din naman kasing Marie Digby na nauugnay sa kanya ngayon. Sila na ba talaga?
“Hindi. Promise! Wala kaming commitment. I mean – how can I really court someone overseas? Mahirap talaga, kasi long distance. So there’s no commitment. We’re dating. We just text. We talk on the phone. ‘Yon lang.
“It’s hard. Hindi puwedeng sabihing hindi puwedeng mangyari. Pero… basta we’re enjoying… you know – just texting. We don’t want commitment kasi… mahirap naman kapag may commitment. Tapos tatlong beses lang kaming nagkikita sa isang taon.
“I really like her. Napakabait. And ako I was a fan before I even knew her. Napakabait, very beautiful and very talented.
“But I think it’s also different if you get to know someone in person. Na when you get to see them, when you get to spend time with them. I mean it’s all a lot different too, to get to know the person… in person,” sabi pa ni Sam.
BAGO SUMA-LANG SA live interview nang mag-guest siya sa Showbiz Central last Sunday, sinamantala namin ang chance na makakuwentuhan ang Brazilian-Japanese model-turned-actor na si Daniel Matsunaga sa dressing room kung saan siya naka-stand by. Iba ang ngiti niya nang usisain namin tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan na nila ni Heart Evangelista. Aminado naman ang binata na kahit nagbabakasyon ngayon sa Amerika ang aktres, regular pa rin daw ang komunikasyon nila.
“Yeah. I text a lot. I ask her how is she doing there. We text each other.”
Ano na nga ba ang real score between them?
“Well, I’m only gonna find out when she comes back,” nangiting sagot ng binata. “But… yeah. We’re dating actually. I started courting her… August 20.”
Before Heart left the country, naikuwento nito na na-meet na raw ni Daniel ang pamilya ng aktres. How was it nga ba nang makilala niya ang mga magulang at kapatid ng dalaga?
“Yeah. I met her dad. I met her mom. They’re really nice. Also her sister. And her Mom speaks Spanish with me all the time. And her father also. We talked a lot.”
Plano rin daw niyang ipakilala sa kanyang pamilya na from Brazil ay sinabihan umano niyang magba-kasyon dito sa Pilipinas. Sa December daw ang dating ng mga ito. Biro tuloy namin – baka kasunod na ay ang pamaman-hikan nila sa pamilya ni Heart.
“Well… my family is coming this December. They’ll spend Christmas here.”
Ini-explain muna naming mabuti kay Daniel kung ano ang ibig sabihin ng pamamanhikan na kaugaliang Pinoy bago namin siya hinayaang sagutin ang tanong namin na ‘yon.
“Yeah. It could happen. We’ll never know.
“Basta I would like to introduce her to my family of course. Even my family is watching my soap opera with her (nagpapadala kasi siya ng DVD copy ng mga episodes nito sa pamilya niya sa Brazil), and they really like her there, they still have to know Heart in person. And I’m sure they will love her also.”
At sa panliligaw nga niya kay Heart, ang panghuling nasabi ni Daniel: “I am slowly making her feel that I like her, I care for her… that I love her. I should not be in a hurry. We really have to know each other well nga muna.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan