NAKATANGGAP NGA naman ng maagang Pamasko ang mga Pinoy nang dito idinaos sa kaunau-nahang pagkakataon ang International Premiere Tennis League o IPTL na paglalaban-labanan ng mga Tennis Superstars gaya nina Andy Murray at Maria Sharapova. Nagsimula ang IPTL noong ika-28 ng Nobyembre at nagtagal hanggang katapusan ng parehong buwan. Sa Mall of Asia Arena ginawa ang liga.
Ang IPTL ay tinatawag talaga nang opisyal na Coca-Cola International Premier Tennis League bilang may sponsorship agreement ang IPTL kasama ang The Coca-Cola Company. Ang nasabing tennis league ay nabuo noong nakaraang taon lamang at nakatakdang i-launch ngayong taon ng Nobyembre sa apat na cities sa Asya gaya ng Dubai, Manila, New Delhi at Singapore.
Lahat ng IPTL matches ay nakaayon sa rules of tennis and code of conduct ng International Tennis Federation. Ang league na gaganapin sa apat na cities na nabanggit ay magkakaroon ng limang sets ng may iba’t ibang categories gaya ng mga sumusunod: Men’s singles, Women’s singles, Men’s doubles, Mixed doubles at Past champions’ singles.
Ang pagkasunud-sunod ng laro ay pagdedesisyunan ng coach ng home team. Kung ang parehong team ay naglalaro sa isang neutral site, isang toss coin ang isasagawa para magkaalamam kung sinong coach ang may masusunod na order of play. Ang gagawa ng unang serve sa team ay depende rin sa kalalabasan ng coin toss. Kung sino naman ang huling team na nag-serve ay siya namang magre-receive sa susunod na set. Sa final match at tie-breaker match, toss coin din ang magdedesisyon kung sino ang mauunang magserve.
Ang team na may pinakamaraming nakuhang puntos sa kasagsagan ng buong season ay siyang idedeklara bilang IPTL champion. Kung halimbawa naman na may dalawang teams ang nakakuha ng parehong pinakamaraming puntos, may criteria silang susundin para ma-ibreak ang tie at ito ay ang: Head-to-head results, Number of games won, Number of games lost, Biggest games margin in any single match win, coin toss.
Ang mga kampeon ng International Premier Tennis League ay magkakamit ng IPTL Challenge Trophy at grand prize na 1 million US Dollar.
Akalain mong sina Maria Sharapova, dating Wimbledon champion at kasalukuyang World number 2 sa Women’s Tennis Association at top Russian Player, at Andy Murray na Wimbledon Champion noong nakaraang taon, World number 6 at British number 1 player ay narito sa bansa upang pasayahin ang kanilang mga Pinoy supporters. Kasama nila na nagpakitang-gilas sa bansa ay sina: Jo-Wilfried Tsonga, Carlos Moya, Daniel Nestor, Kirsten Flipkens, Treat Huey, Serena Williams, Ana Ivanovic, Eugenie Bouchard, Daniela Hantuchova, Sanja Mirza, Tomas Berdych, Richard Gasquet, Lleyton Hewitt, Goran Ivanisevic, Patrick Rafter at Gael Monfils.
Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit nagmamahalan ang presyo ng tickets sa 3-day IPTL event na ‘to sa bansa. Biruin mo ‘yun, nagkakahalaga ng P58,500 ang VIP Ticket, sinundan ng P46,000 na Patron, P26,000 na Lowerbox, P13,500 na Upperbox at P2,900 na Gen Ad.
Talaga nga namang napakaaga ang dating ni Santa Claus para sa mga Pinoy supporters nang makita nilang naglalaro ang iniidolong World’s Tennis Superstars.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo