Hindi pala alam ng mga artista ng pelikulang “Oro” na pinagbibidahan ni Irma Adlawan ang nangyari between Nora Aunor at sa produksyon ng pelikula, reason kung bakit siya ang ipinalit kay Nora para gumanap bilang Kapitana ng barrio, kung saan naganap ang isang massacre.
Alam ng media na si Nora ang original na bida ng pelikula, pero matapos ang isang araw na shooting sa CamSur ng aktres, umalis ito sa set ng pelikula para bumiyahe pabalik sa Manila (sakay ng isang public bus para makadalo sa isang anti-PNoy rallly noon sa Plaza Miranda patungong Mendiola). Hindi na bumalik si Nora sa location at lumabas na nga na hindi na siya ang bida ng pelikula ni Direk Alvin Yapan at napalitan na nga si Nora ni Irma.
Sa simula pa lang, alam na ng marami na ang pelikula na pinagbatayan ang isang totoong pangyayari na isang massacre sa Brgy. Gata, Caramoan, Camarines Sur na apat na minero ang pinatay (na ginagampanan nina Sandino Martin, Biboy Ramirez, at Joem Bascon – hindi na namin naitanong ang pangalan ng gumanap sa pang-apat na biktima).
May balitang nakarating sa amin na bayad na raw pala ng kabuunan ng kanyang talent fee si Nora sa pelikula, na until now at sa Sunday next week (December 25) na ang simula ng film festival, hindi pa rin daw ibinabalik ni Nora ang ibinayad sa kanya ng producer na iwas na lang ang mga taga-produksyon na pag-usapan ito.
Sa presscon ng 2016 Metro Manila Film Festival last Thursday, December 15, in-edit umano ng mga tao sa loob ng MMFF ang isyu at ayaw nilang maitanong ng press ang isyu ng hindi pagbabalik ng aktres sa full payment sa kanya ng producer.
Noong una, isyung political daw ang dahilan kung bakit nag-back-out si Nora sa project, kahit naka-one shooting day na ang aktres (na ang babaw ng rason dahil magkaiba daw ang political belief ni Guy at ng kanyang producer) na sa mga taong nag-iisip, hindi nila bibilhin ang alibi.
Pero ang pelikula na natapos na at nairaos kahit may problema ang producer na gusto nitong makuha ang ibinayad kay Nora, as of presstime, hindi pa rin diumano ibinabalik ng aktres ang full payment sa kanya, na dapat niyang sagutin para idepensa ang sarili, but to no avail. Ang mga press people na dumalo sa 2016 MMFF presscon ay pinaunahan na huwag itong itanong kay Nora.
Pero si Irma, hindi pala niya alam ang dahilan ng pagkakatangal kay Nora sa project na siya ang ipinalit.
Sabi nga namin sa kanya. Makalalaban niya si Nora sa Best Actress Award category sa filmfest, pero isang makahulungang ngiti lang ang isinukli niya sa amin.
Ang gusto ni Irma ay kumita ang pelikula nilang “Oro” na siyang dapat lalo pa’t ang dating bida ay may kompromiso pa rin hanggang ngayon sa kanyang producer niya.
Reyted K
By RK VillaCorta