ANNE CURTIS RECENTLY went to London with her Daddy James for a very important family affair. Pero kahit nasa kabilang bahagi siya ng mundo ay wala pa rin siyang kawala sa mga kontro-bersiya. At kahit malayo siya ay may tenga at mga pakpak naman ang balita kaya hindi puwedeng mahuli ang publiko tungkol sa mga latest news tungkol sa kanya.
The Buzz had an exclusive phone patch interview with the beautiful actress all the way from London. Nakausap siya ng The Buzz ilang sandali before the wedding of her Kuya Jamie. “I’m here kasi kasal ng kuya ko. We’re here for the wedding. Nagsiliparan kami from Australia [and] Bahrain. Lahat kami andito para sa kasal ng kuya ko,” masayang kuwento ni Anne.
Anne enjoyed her much-deserved break from the glaring spotlight with her family in London before the wedding. “Basically, we did a lot of touristy stuff. Tiningnan namin iyong Buckingham Palace, the changing of the guards. We watched plays [like] The Phantom of the Opera, Les Miserables. [Pumunta kami sa] Victoria & Albert Museum. Ang dami naming ginawa. Masayang-masaya. Nagsama-sama ang pamilya. Chikahan.”
No doubt, Anne had a blast dahil ngayon lang uli sila nagkita-kita ng kanyang mga kamag-anak sa daddy’s side niya after a very long time. Sabi ni Anne ay almost se-ven years na nilang hindi nakikita ang mga ate niya. “Ang dami naming nag-iiyakan, nagkukwentuhan, nagyayakapan, so it’s really a lovely time.”
Her Daddy James became emotional when he saw the reunion of his children. “Alam mo rarely [do] I see my dad cry and dito sa trip na ito siguro mga ilang beses ko na siyang nakitang naiyak, so ibig kong sabihin kapag nakita mo ang daddy mo na umiiyak, ‘di ba? Lahat kami nag-iiyakan din. To be able to spend time with him iba iyong bonding. Ang sarap lang kasi dahil napaka-deprive ka sa time mo with your family [pero] dito sa trip na ito, parang you’re making up for lost time with your family,” said Anne.
Kinasal na ang kanyang Kuya Jamie kaya naman marami ang nagtatanong ngayon if Anne is thinking about her own wedding in the future. “Naku, hindi pa. Medyo matagal pa siguro iyon. May dalawa pa akong ate na kailangang ikasal bago ako. Basta magkakasama iyong lahat ng pamilya ‘pag dumating man [ang] panahon na ikakasal ako.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda