Is Bela Padilla the newest Viva Drama Princess?

Bela Padilla
Bela Padilla

Marami-rami na ang artistang pinasikat ng Viva. From romantic leading ladies Sharon Cuneta, Donna Cruz, and Angelu de Leon during their prime to sexy sirens Joyce Jimenez and Maui Taylor, no doubt this multimedia company knows how to take good care of their stars!

 
Sa makabagong panahon, sina Anne Curtis, Cristine Reyes, Sarah Geronimo, at Nadine Lustre ang Viva talents na nakapagbida sa mga bonggang pelikula na pinilahan ng mga agahanga. Mukhang nadagdagan na ang listahang ito ng isa pang pangalan – Bela Padilla.

 
Kapuso ka man or Kapamilya, siguradong kilala mo na si Bela Padilla. Although she was introduced as the ‘pamangkin’ of Robin Padilla, this young lady proved to the masses that she deserves the projects coming her way. Una siyang pumasok sa showbiz sa pangalang ‘Krista Valle’ and eventually ay nagpalit to Bela Padilla (na sa tingin namin ay good move!). With GMA-7, she starred in TV shows such as “Endless Love”, “Machete”, “Hiram na Puso”, “Love and Lies”, “Magdalena” and “Sa Puso ni Dok”.

 
Aminin na natin – halos hindi siya nabakante sa Siyete, pero mas lumakas ang dating nito nang lumipat sa ABS-CBN, her original home network. Minahal siya ng madla bilang Carmen sa “FPJ’s Ang Probinsyano” opposite Coco Martin. Bigla na lang tsinugi ang karakter nito a few months ago much to the dismay of CocoBel fans. Hanggang ngayon, wala pa rin bagong primetime or afternoon series si Bela sa Kapamilya network, pero marami na ang nag-aabang dito.

 
Habang pahinga ang dalaga sa TV, umaarangkada naman ito pagdating sa movies! Just last August ay ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival ang “I America”, isang dramedy tungkol Fil-Am na lumaki sa Olongapo na sabik makilala ang ama. Marami angpumuri sa performance ni Bela kaya naman napagdesisyunan ng Viva nai-distribute ang pelikula nationwide starting on September 21.

 
Last August din ay ipinalabas ang sexy hugot film na “Camp Sawi” starring Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Kim Molina, Sam Milby and Bela Padilla. Apart from being one of the lead actresses, isa rin si Bela sa nagsulat ng screenplay nito. Shalabels, ‘noh?

 
Soon she will star in a horror movie under Viva. Hindi na rin kami magtataka kung meron nang nilulutong pelikula para sa kanya next year.

 
With those overwhelming projects waiting, is it safe to say that Bela Padilla is Viva’s Newest Drama Princess?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleKathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi na nga bagets at pa-tweetums sa “Barcelona”
Next articleRainier Castillo, 6 na buwan nang nakatengga at walang proyekto

No posts to display