DAHIL NAKA-FIFTEEN thousand copies na ng nabenta ang first album ni Bea Binene na Hey It’s Me: Bea, kamakailan ay tumanggap ng Platinum Award ang young actress. Siyempre pa, labis ang kanyang tuwa dahil hindi raw niya inaasahan ito.
“Very unexpected na hindi naman talaga ako singer tapos magri-reach ng Platinum. Kaya sobrang thankful po ako sa lahat ng sumuporta at sa lahat ng bumili ng album ko.”
Dahil sa success ng kanyang first album, naghahanda na raw siya para sa pangalawang album na niya.
“Nasa planning stage na po. We’re fixing things na para sa second album ko. Ngayon, nagbi-brainstom kami. Kasama ako sa pagbuo ng ideas kung ano ang maganda. Pati ang Galaxy Records,” pagtukoy niya sa producer ng kanyang album.
Bukod sa second album na kinu-conceptualize nila sa ngayon, may bago na rin siyang project sa GMA-7. Ito ay ang fantasy series na Home Sweet Home na muling pagtatambalan nila ni Jake Vargas.
“Maganda ‘yong story. And okey naman sa akin na fantasy ulit kahit may nagawa ako before, ‘yong Alice Bungisngis. Kasi coming from Cielo de Angelina, ang pinaka-last na ginawa ko na drama ang tema, okey na ang kasunod ay medyo light naman. Kahit parehong fantasy, iba ang Home Sweet Home sa Alice Bungingis. Mas fantasy ito. Tapos may action. Kaya mas nakati-thrill. Mapapasabak ako sa action scenes kasi may mga makakalaban kaming kung anu-anong creatures. Kaya excited talaga ako.”
Dala-dalawa talaga ang ginu-groom na ka-loveteam niya. Si Derrick Monasterio na kapareha niya sa Vampire Ang Daddy Ko at si Jake Vargas nga sa Home Sweet Home.
“It’s up to GMA naman kahit sinong i-loveteam nila sa akin. Okey naman sa akin kahit sino. Pero si Jake kasi, mas comfortable akong kapareha siya. Kasi nga, mas matagal na kaming nagkakasama sa trabaho. At saka magkaibigan kami. Okey rin namang katrabaho si Derrick. Kaibigan ko rin siya.
“Nakakatuwa naman na bukod sa JaBea na fans namin ni Jake, meron na rin na DerBea na followers naman namin ni Derrick.”
FIRST MOVIE ni Isabelle Daza ang It Takes A Man And A Woman na balik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Ka-love triangle siya ng dalawa sa istorya nito
“Tapos napakatagal naming pinaghirapan ito, six to seven months!” aniya. “Other girl ni John Lloyd ang role ko. Pero okey naman siya. And I had my first kissing scene with him (John Lloyd). Na… napaka-nerbiyos ko when it was shot. But it was very tastefully done. John Lloyd is my good friend. Sarah is also napakabait.”
Marami nang followers ang Sarah-John Lloyd tandem. Ready na ba siya sa posibleng violent reaction ng mga ito sa pagganap niya bilang other girl ni John Lloyd? O sa mga posibleng magiging bashers niya?
“Oo nga, eh. Pero hindi naman ako sobrang mean do’n sa movie. Pampa-add lang ng something different. It’s a romantic-comedy movie. Pero… I’m not so much more on the comedic side. Si Sarah ‘yon.
“Ako, medyo… ‘yong role ko parang sosyal. Tapos I studied in the States. Magandang manamit. Kiyeme-kiyemeng gano’n.
“Hindi naman ako kontrabidang masa-sabi ro’n sa story, eh. Parang confuse lang si Miggy (character ni John Lloyd) sa aming dalawa ni Sarah.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan