NGAYONG ARAW ang simula ng pelikulang Resureksyon, ang latest horror movie mula sa Regal Films at Reality Entertainment.
Noon pa man, aminado na ako na mahilig akong manood ng pelikulang katatakutan kaya ang latest na napag-tripan ko ay ang Sinister 2 (na waley naman) at ang pelikulang Pay The Ghost na bida si Nicolas Cage na ang kuwento ay tungkol sa mga bata na nawawala every Halloween sa New York na ang pagkawala ng mga bata ay dahil sa isang sumpa.
Ang Resureksyon, kung saan bida sina Isabelle Daza, Jasmine Curtis Smith, at Paulo Avelino ay tungkol sa bampira na nabiktima ang magandang si Isabelle.
Ang kuwentong bampira ay based sa “European vampire” dahil sa ibang bansa, Isabelle was working sa isang Eastern European country sa embassy nito sa Myanmar.
Inuwi siya na isa nang malamig na bangkay at ang pagkamatay niya ay muling pagkabuhay, na siyang plot ng kuwento na idinirek ni Borgy Torre III. “She’s good. Kahit ano’ng ipagawa mo sa kanya, hindi ko ini-expect na gagawin niya.”
Sa tipo ni Isabelle na very feminine at babaeng-babae, hind mo iisipin na kahit buhusan mo man siya ng mala-dugo na effects ay wala siyang angal.
“Game na game siya. She loves her job at alam niya ang responsibility niya as an actor,” kuwento pa ni Direk Borgy.
Reyted K
By RK VillaCorta