OFFENDING ANG ginawa ni Isabelle Daza kamakailan sa social media. Insulting para sa mga kababaihan sa isla ng Siquijor (sa Visayas na abot-Tanaw mula sa Dumaguete City), lalo na ng mga taga-roon na tawaging ‘puta’ kahit sabihin na play of words lang ang ginawa niya.
Akala ko, may pinag-aralan ang dalaga ni Ms. Gloria Diaz. Kahit anong depensa ang gawin ng liga ni Isabelle, turn off para sa isang tulad niya, na akala ko, disente at may pinag-aralan, para maging bastos pala at walang galang sa kapwa babae.
Play of words daw sabi ng mga kumakampi kay Isabelle kung bakit sa kanyang Instagram account, ang hastag niya para sa kanyang beach vacation sa napakagandang isla at sa mga magagalang na locals ay #siquiWhores.
Biruan daw nila ng kasama niya, kaya ‘yun ang salitang ginamit ng akala ko intelihenteng anak ng isa sa nirerespeto at malaki ang respeto sa kapwa niya babae na si Ms. Gloria Diaz.
Nag-react si Vice Governor na si Dingdong Avanzado ng Siquijor, hindi niya nagustuhan ang posting ni Isabelle sa kanyang social media account. Naglabas ng kanyang official statement ang bise gobernador tungkol sa posting ni Isabelle. A portion of his statement: “I am worried on how such a foul and offensive word would damage the reputation of the Siquijodnons in the long-run. I believe every citizen of Siquijor deserves a clarification from Ms. Daza on the matter.”
Sa kanyang IG account, tinapos na rin ni Dingdong ang isyu. Post niya: “Actress Isabelle Daza has already explained that the hashtag #siquiWhores was merely “a joke” and is a “term of endearment” between her and her cousins. Likewise, she apologized to the people of Siquijor who may have been offended by such a term. I encourage the netizens and the people of Siquijor to accept her apology, move on, and focus our time and efforts on more important concerns that our nation faces today.”
For a change, gawan ko rin ng hastag si Isabelle like #IsangPokpok, #PutaBelle #Isangpa-K? Joke! Hehehe!
Reyted K
By RK VillaCorta