SALAMAT KAY Direk Cathy Garcia Molina, nabigyan niya ng magandang role si Isabelle Daza para ito mapansin at masabi na may karapatan itong magdrama at pumasok sa showbiz.
Naalagaan ni Direk Cathy si Isabelle sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa It Takes A Man and A Woman, dahil lumabas itong natural at mahusay.
Samantalang inamin ni Isabelle na kinikilig siya sa mga eksena nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa movie.
Matagal na raw siyang fans ng tandem ng dalawa kaya nang alukin siya para isama sa movie ng dalawa na cerfified blockbuster ay laking tuwa ng dalagang anak ni Gloria Diaz.
“Nu’ng sinabi nang manager ko that Star Cinema at Viva Films are thinking about getting me for the John Lloyd-Sarah movie, sumigaw talaga ako. Parang hindi ako makapaniwala. Because as I’ve said before, I’ve been a fan of Laida (Sarah) at Miggy’s (John Lloyd) first two movies. It’s really like a dream,” pahayag ni Isabelle na guma-ganap na college girlfriend ni John Lloyd sa third movie nina Laida at Miggy.
HINDI MUNA mangyayari ang nakagugulat na pagre-resign ni Kris Aquino on TV sa mga show niya sa ABS-CBN pagdating sa bakasyon kasama ng dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa France dahil kailangan niyang tapusin ang tatlong show sa Dos.
Nangako naman daw si Kris sa management ng ABS-CBN na magre-resume siya ng taping ng Kailangan Ko’y Ikaw pagdating niya ng bansa.
Aside sa serye, obligado rin siyang tapusin ang pagi-ging isa sa tatlong hurado ng Pilipinas Got Talent hanggang sa ito ay matapos.
At ang Kris TV naman niya ay magtutuloy hangga’t ‘di nakaiisip ang management ng bagong ipapalit sa nasabing TV show.
Samantala, ang isa pang dapat abangan sa pagbabalik ni Kris ay pagse-celebrate ng birthday ni Bimby sa April 19.
Sa birthday party na siguradong io-organize ni Kris para kay Bimby, payagan kaya niyang maka-silip si James Yap (ama ni Bimby) sa party?
Posible rin kayang lumambot na si Kris matapos ang bakasyon nilang mag-iina sa France kay James, alang-alang sa kanilang anak na si Bimby?
Isa pang tanong, kapag natapos na ang shows ni Kris sa Dos, tuluyan na ba talaga niya iiwanan ang showbiz?
Paano na ang nilulutong talk show na pagsasamahan sana nila muli ni Boy Abunda. Matuloy pa kaya?
MATAPOS NA tsugihin ni Willie Revillame si Ethel Booba sa noontime show ng una sa TV5, akala ng karamihan ay tapos na rin ang showbiz career ni Ethel at galit kay Willie.
Nagkamali sila dahil sinalo ng TV5 ang pagbuhay muli sa career ni Ethel nang bigyan ito ng reality show ng Kapatid Network na kinunan pa sa Boracay.
“Hindi na. Wala na. Malabo na kaming magkabati nu’n (Willie Revillame),” say ni Ethel.
Pagbubulgar pa ni Ethel, sa umpisa pa lang daw ng pagkakasama niya sa noontime show ni Willie ay gusto na niyang umalis. Siya raw kasi ang pinalalabas na “malas” sa show dahil sa dalawang beses na pagkawala ng kuryente noon mag-premiere ang Wowowillie sa Delta Theater.
“Sabi niya (Willie), malas ko talaga. Nasaktan ako doon. Gusto ko siyang sapakin nu’n. Alam naman niya na madali akong mapikon at sa totoo lang madalas akong ma-offend sa mga biro niya. Halos araw-araw, umiiyak ako,” say pa ni Ethel.
Nasagad na lang daw siya nang sigawan sila ni Ate Gay ni Willie noong natalo silang dalawa sa costume contest ng show. At pinasinungalingan ni Ethel ang kuwento ni Willie na pinasok daw niya ang room ng huli at pinagtaasan ng boses.
“Hindi ko siya sinugod sa dressing room niya. Siya ‘yung nagpunta sa dressing room namin. Wala pa nga siyang (Willie) shirt nang pumasok sa dressing room namin. Ang sinabi ko lang tungkol sa contest na kausapin si Ate Gay, dahil umiiyak dahil nagtatampo sa resulta. Alam ‘yun ni Ate Gay at ng ibang mga PA (personal assistant) doon. Nakita nilang lahat ang tunay na pangyayari,” pagbubulgar pa ni Ethel.
Pero anuman ang namagitan between Ethel and Willie, dapat magpasalamat ng una sa huli dahil magmula nang kinuha siyang co-host sa noontime show ay nabuhay muli ang showbiz career kaya nabigyan ng project ng TV5.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo