Isabelle de Leon, may ibubuga sa pag-arte at pagkanta

Isabelle-de-LeonDALAGANG-DALAGA NA talaga ang dating child star na si Isabelle de Leon o mas kilala bilang si Duday sa Da De Di Do Du. At ngayong nagdalaga, mas gumanda si Isabelle na hindi lang forte ang galing sa pag-arte kundi mahusay ring umawit.

Kaya naman sa kanyang latest na project na musical-drama-comedy serye na pinamagatang Trenderas na mapapanood na sa Sabado (Sept. 13) ng 9pm sa Kapatid Network TV5, hindi lang aarte kundi aawit at magkokomendya si Isabelle.

Makakasama ni Isabelle sa Trenderas ang equally talented singers at bubuo ng Trenderas na sina Katrina “Suklay Diva” Velarde at Lara Maigue na siyang nag-compose ng hit song na “Sa ‘Yo Na Lang Ako” na inawit ni Karylle.

Bukod sa tatlo, kasama rin sa bonggang-bonggang cast ng Trenderas sina Ara Mina, Cristina Paner, Dingdong Avanzado, Rez Cortez, K Brosas, Kitkat, Cacai Bautista, Francine Prieto, Edward Mendez, Carl Guevarra at ang nag-iisang Superstar  Nora Aunor.

Upgrade member Kcee Martinez, host ng isang singing contest sa YouTube!

 

MARIING PINABULAAN ng Upgrade member, Internet sensation at Viva artist na si Kcee Marinez (Casey Martinez) na iiwan na niya ang grupo niya dahil meron na siyang sariling hosting show sa Internet (YouTube), ang “Sing For Your Dreams” ng SMAC, kung saan makakasama nito si Grey (music correspondent).

Ayon kay Kcee allowed naman daw silang magkaroon ng solo raket as long as hindi aalis ng grupo. Ilan sa mga naging solo show ni Kcee ang teleserye ng GMA 7 na Makapiling Kang Muli at ang remake ng Valiente. Nakalabas na rin si Kcee sa Love Hotline at endorser ito ng MyPhone, UniSilver Time, Royqueen Gadgets, Headway Vera Salon, Shimmian, at Cardams.

Dagdag pa nito, ang “Sing For Your Dreams” daw ay isang online singing competition sa YouTube na bukas sa lahat ng edad at kahit anong gender basta magaling kumanta, solo, dalawahan o grupo.

Madali lang daw ang pagsali, kapag may cover song, ipadala lang at i-upload sa [email protected] at ‘pag napili, magkakaroon ka ng tsansang manalo ng up to P130,000 worth of cash, mini-album and 2 years contract under Social Media Artist and Celebrities (SMAC).

Singer Ryu Morikawa, gumagawa ng pangalan sa Dubai

 

NASA BANSA ngayon ang singer/host/actor na si Ryu Morikawa na pagkatapos manirahan at subukan ang Entertainment sa Dubai ng ilang buwan, muling nagbalik sa Pilipinas para magbakasyon ng ilang buwan.

Pero sa kanyang pagbabakasyon, maraming naka-line-up na mall shows/ radio at TV guestings si Ryu. Like ngayon, kung saan espesyal na panauhin ito sa Pambansang Almusal ng Net25 at sa DZBB 594 Walang Siyesta radio program ni Kuya Germs.

Magkakaroon din ng guesting si Ryu sa Net25’s Letter and Music at Walang Tulugan With The Master Showman. Magkakaroon din ito ng mall tours na magsisimula sa Sept. 13 sa Starmall-Edsa ng 4pm; Sept. 14 sa Starmall-San Jose, Bulacan ng 3pm; Sept. 21 sa Starmall-Las Piñas; at Sept. 27 sa Starmall-Alabang kung saan makakasama nito ang Full Force Dancers.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAkin lang ang phone ko!
Next articleRocco Nacino, ‘di na nangangapa kay Dennis Trillo

No posts to display