NAG-START NOON SI Ogie Alcasid sa Tropang Trumpo sa Channel 5 bago napunta sa Bubble Gang sa Channel 7. Sa Regal Films naman ay gumawa siya comedy film kasama si Manilyn Reynes. Ayon sa kanya, seryoso siya sa tunay na buhay bagama’t prio-rity niya ang kanyang asawa at pamilya. May mapagkawanggawa pa rin siyang tungkulin na ginagampanan bilang isang Commissioner ng Edsa People Power Commission.
“Ambassador din ako ng National Commission for Culture and the Arts at Presidente ng OPM.”
Bukod du’n, si Ogie ay isang songwriter, composer, come-dian-actor sa television, presenter, parodist at isang entrepreneur. Ang dapat sana niyang kurso sa kolehiyo ay Law. Anyways, ang kanilang family business ay rural banks sa Batangas.
Ayon kay Ogie, kahit na hiwalay na sila ni Michelle Van Eimeren, hindi naman niya pinababayaan ang dalawa niyang anak na mga babae at lagi niya itong kinukumusta linggo-linggo. Inamin din naman niyang ‘very good friends’ sila ni Michelle ngayon.
Sa akin naman, nakita kong mabuting family man si Ogie. “Salamat naman. At priority namin ‘yan. Siyempre, at ahhh… the God has been very good to my family.”
Ahum! Bukod doon, nagbibiruan din kaya silang dalawa ni Regine Velasquez? Naiinis din kaya si Regine sa kanya kung minsan? “Hindi. Mas sira ulo ‘yun kaysa sa ‘kin. Mas palabiro ‘yun kaysa sa akin.”
O sige, sinong unang napipikon sa inyo? “Wala naman. Theraphy namin ‘yun, eh.”
Eh, sinong kumander sa inyong dalawa? “Ah, ako sundalo lang,” natatawang sagot ni Ogie na nagbibiro.
GUSTONG MAGING ANAK NILA BAGO PA NALAMAN NA NAGLILIHI
Sakaling magkaanak ka kay Regine, anong gusto mo, babae o lalaki? “Gusto ko sana lalaki, kasi dalawa na ‘yung babae ko. Kung ako eh, pagpapalain ng Panginoon, maganda sana eh, lalaki.”
Ayos ‘yun! Para may ka-choka-choka siya, ka-buddy buddy. “Korek! Korek! At the same eh, kung ano naman ang ibigay sa amin eh, okey lang. Kasi hindi na rin naman kami mga bata, eh. Sa estado namin eh, ‘yung mabiyayaan kami ng baby eh, okey lang! Eh, kasi nasa 40 na kami.”
Kaya sabi ko, ang panalangin ko ay magkaanak sila. “Salamat, salamat,” sagot ni Ogie.
Papaano naman kaya niya idine-deliver ang komedya sa Bubble Gang bilang Angelina. Kasi, kung titingnan mo, parang siya ‘yung ‘spoiled brat’ du’n, eh. Paano niya nakukuha ‘yung ganu’ng istilo? At ito mga tsong, nangulit na kamo ang Ogie.
“Hindi ko alam, parang nasasaniban na lang ako, eh! Parang nagi-ging bata na rin ako kaagad, eh. At saka ano din eh, siguro… sa kao-observe ko rin sa mga anak ko, nakikita ko ‘yung mga arte nila.”
Ah, sige sa nanay niya, paano siya na-ging pilyo? “Sa mga maids, ako masama. Lagi ko silang kinukulit. Nu’ng araw kasi, meron ka-ming extension ng telepono, eh. Pagka ‘yung maid eh, pababa nang ganu’n, tatawag ako sa telepono, magri-ring ‘yun. Ay sa taas ako, tatawag. Aakyat ‘yung maid. ‘Hello!’ walang sasagot. Bababa siya ngayon. Ayan na naman, ‘hello!’. Siguro mga sampung beses sila akyat-baba, hindi nila alam, ako lang ‘yun. He-he-he!”
Mga tsong makulit nga! Ha-ha-ha! Good time lang para mang-asar sa katulong.”
Ito naman ang mga katangiang nagustuhan niya kay Regine. “Ah wala eh, mabait na tao talaga. Saka maalalahanin, maalaga. Ah, ‘yung katulad nang padadalhan ako nu’n ng pagkain. Tapos eh, pagka-kailangan ko ng gamit, s’ya na ‘yung kusa. Ginagampanan n’ya ang pagiging asawa.”
Ano ang theme song ninyong dalawa, meron din ba ‘yung talagang natatangi? “Well, ‘yung Love Me Tender.”
Kumanta na kamo si Ogie…“Love me tender, love me sweet, never let me go… ‘Di ba classic?”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia