[imagebrowser id=396]
“OUR HEARTS are broken today.” Ito ang mga katagang sinabi ni US President Barrack Obama habang pinupunasan ang nangingilid na luha ng humarap sa media na isa sa pinaka-emosyonal na pangyayari sa kanyang pagka-pangulo.
Umalingawngaw ang mga putok na aabot higit-kumulang isandaan mula sa dalawang pistols at isang semi-automatic rifle na pinakawalan ni Adam Lanza noong Sabado, Disyembre 15, 2012 sa Sandy Hook Elementary School, Newtown, Connecticut. Pagkatapos ng mga pamamaril, dalawampung (20) bata at anim (6) na teachers ang namatay sa insidente. Ang mga batang biktima ay may edad na anim at pitong taong gulang. Naulat ding bago pa man maganap ang krimen ay pinatay na rin ni Lanza ang kanyang inang si Nancy sa kanilang tahanan habang ito ay natutulog.
Nanginginig at umiiyak nang nakapikit ang mga batang nakaligtas habang nakalagay ang kanilang mga kamay sa kanilang balikat papalabas ng parking lot ng eskuwelahan. Samantalang ang ibang bata ay nakaligtas na kasama ang guro na nakapagtago sa banyo ng kanilang silid-eskuwelahan.
Ang gunman na si Lanza ay may edad na bente anyos ay pinatay din ang kanyang sarili nang malamang nakapasok na ang mga awtoridad sa eskuwelahan upang sumaklolo. Ayon sa kanyang dating kaklase, si Tim Arnone, si Lanza ay isang matahimik, mahiyain, at laging mapag-isa, pormal manamit, at hard-driven na estudyante. Ito ay matalino at mahusay sa eskuwela subalit dumaranas diumano ng personality disorder.
Ito ang ikaapat na pangyayari ng ng mass shooting sa Amerika sa nakalipas na limang buwan.
Bakit nga ba dumaranas ng ganitong karamdaman ang isang tao? Importante na matutunan ng nagtataglay ng sakit na ito sa utak na mai-proper ang kanyang psychomotor upang maging balanse katulad ng dalawang bahagi ng neurons sa utak, ang left and right. Dahil dito, dapat na magpakonsulta sa mga dalubhasa ito katulad ng mga pscyho-therapist, para sa proper treatment and medications. Pero napakahalaga rin ng formative years ng isang bata na dapat mapag-aralan ng mga magulang lalo na ang ina na siyang giya o ilaw ng tahanan, dahil doon pa lamang mag-uumpisa na madi-develop kung ano siya hanggang maging ganap na itong tao o adult at matutunan na niya ang self-control, dahil sa kanyang society exposure.
BILANG MGA MAGULANG
MINSAN BILANG mga magulang ‘pag hindi natin napag-aralan ang tamang pagtrato sa ating mga anak ay maaaring tayo pa mismo ang pagmumulan ng kimkim o namumuong galit at panibugho sa kanilang sarili. Imbis na inakala nilang tayo ang magiging kakampi upang malunasan ang kanilang mga nararamdamang sakit ng loob ay tayo pa ang nakapagdadagdag at trigger dito na nakapagpabababa ng kanilang self-esteem at selfworth na dagdagan pa ng pakikipag-interact sa society partikular sa eskuwelahan, kung saan sila ay maaaring maging biktima ng bullying dahil hindi sila makasabay nang normal sa kanilang mga kapwa bata.
Ngunit bukod pa rito, dapat pa nating malaman ang spiritual education. Napakaimportante nito dahil isa itong sangkap upang maging balanse ang ating pag-iisip. Ang institusyon ngayon ng tao sa makabagong panahon na punung-puno ng viral o virus na maaari nating pag-aralan lalo na’t nauso na ngayon ang mga napapanood natin sa mga sinehan, mga DVD, mga virtual games sa computer.
Mula pa sa pagkabata hanggang sa paglaki, maaaring ma-store ito sa kanyang malilit na lalagyan ng utak hanggang sa parang microchips na dito na-save sa kanyang memory. Depende sa pagtanggap ng neural networks nito at kakayahan nito ayon sa kayang genes. Kaya may tinatawag tayong genetic disorder.
Ako ma’y nakikiisa sa pagdadalamhati sa pagkamatay ng mga walang malay na bata at mga gurong nagbuwis ng buhay.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, email: [email protected]; cel. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia