MAY NAGTANONG sa isang matandang lalaki na may malalim na pag-iisip tungkol kung papaano maging tapat sa kanyang among negosyante. Ito ang kanyang sagot: Sa aking pagsusuri, ang ating daigdig na Inang Kalikasan ay isang sensitibo, may mga bagay na dapat tayong malaman. Ipinalalagay ko itong napakalaking sasakyan sa himpapawid at ang lahat ng tao na nabubuhay rito ang siyang mga pasahero nito.
Palibhasa, napakalaking sasakyan ito, nagbilin ang kapitang bihasang negosyante. “Ang lahat ng mga pangangailangan natin ay nandito na sa daigdig na ito ng mga tao. Tumatakbo ang sasakyang ito gabi at araw sa loob ng 24 oras, nandito na ang lahat ng bagay na pangangailangan ng pasaherong tao. Pagkain, isda, mga hayop na maaaring alagaan at kainin ang mga pananim tulad ng prutas, gulay, mga puno na nagbibigay ng oxygen at tubig na inumin. Dahil dito binigyan na kayo ng kalayaan ng mabuting may-ari nito, at pansamantala ipinamamana sa atin. Ang huwag lang ninyong gagawin, pabayaan ang sasakyang ito. Ipinagkakatiwala ko ang lahat ng bagay kaya nagkaroon tayo ng kapangyarihan sa lahat ng bagay sa loob ng sasakyang ito. Mahal ko ito dahil matagal ko na itong kasama.”
Ganoon din ang ating daigdig, nagbigay ang Maylikha ng mga kautusan sa tao upang kung papano maglikha ng batas ng pamumuhay, ayon sa kanilang sariling pamamaran kultura at tradisyon upang masiyahan ang mga tao habang siya ay nanatili rito.
Kaya nagtanong muli ang lalaki sa matandang lalaki kung papaano ba maging tapat sa kanyang amo? Tulad ng isang barko na naglalayag sa dagat, ang isang kapitan ay may mahigpit na tagubilin sa kanyang mga katiwala: Ang lahat na mga bagay na nandito ay maaari ninyong gawin ayon sa mga agreement natin, dahil ako ang kapitan ng barko. Ang lahat ng utos dito huwag ninyong babaliin upang wala tayong magiging problema sa sasakyang ito. Dahil sa haba na nating paglalayag, ‘di maiwasang kailangang mag-repair tayo bukod sa kalinisan ng ating barko. Matagal pa tayo dadaong sa ating pupuntahan, narito gamitin ninyo ang mga ginto na pangpasak sa mga butas na dapat pasakan nito upang huwag tayong lumubog. Ipinagkakitwala ko sa inyo ang mga ilalabas kong mga ginto.”
Nagtanong ang isang katiwala ng kapitan na papaano kung ang mga ginto na ipapasak sa barko ay may mang-umit? Dahil dito inutos ng kapitan sa kanyang mga tauhan na dalhin sa kanya ang pinakamangmang sa lahat. Pagkatapos nito ay tinanong niya ito sa kanilang harapan. “Ano ang mangyayari kung sakali na may mang-umit sa mga ibibigay kong ginto?” Ah, simple lamang po kapitan, tugon ng pinakamangmang ,“maari pong mamatay tayong lahat dahil lulubog ang barkong ito.”
Kung gayon gawin nga ninyo ang mabuti. Ingatan ito dahil dito nakasasalay ang buhay ninyo. Kung sakaling sumira kayo. Nais kong ipaalam sa inyo, bago pa ako naging kapitan ay isa akong bihasang negosyante at manlalakbay. ‘Pag ganitong mga may masasamang pangyayari sa barko, may magre-rescue sa akin. Isa ako sa may ari ng barkong ito kaya hindi ako lulubog na kasama ninyo. Dahil ipinamana ito sa akin ng mabuti kong Ama. Kaya tutuusin, hindi ko na kailangang bantayan kayo kung tapat kayo o uumitin pa ninyo o ‘di kaya ay dayain ang mga ginto na nakapasak sa barkong ito.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp #. 09301457621
Photos from Google images
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia