SA AFTERNOON serye na Kadenang Ginto, televiewers hates young actress Andrea Brillantes.
Galit sa kanya ang mga televiewers dahil sa kanyang role bilang si Marga na inaapi ang mabait na “half-sister” niya na si Cassie played by Francine Diaz na super kabaliktaran ng role ni Andrea.
Kung iniisp ng mga manonood na ang dalaga ay tutoong maldita in real life, puring-puri naman siya ng lola niya na nagalaga sa kanya mula sa pagkabata.
Sa morning show na Magandang Buhay, proud na proud ang lola sa maternal side ng young actress dahil sa kabaitan nito.
Puring-puri ni Lola Susan ang apo niya dahil kahit bata pa, parang isang matanda ang na kung mag-isip ang dalaga na wala kasalasan sa mga bata na kaedad ni Andrea.
Sila ni Francine, magkaibigan sila. On screen lang ang bangayan nilang dalawa at besties sila off-camera.
Aminado si Andrea na noong una, parang may gap sa kanila ni “Cassie” off-camera pero nawala din yun na noong una ay nagkakailangan sila.
As a Lola’s girl, maalaga ang dalaga. Palagi niya tsini-check ang lola sa kalagayan nito. Noong may sakit ang lola niya noon, si Andrea ang hindi mapakali. Siya ang nagaalaga sa kanyang Lola Susan.
Just like her role in her movie na “Kahit Ayaw Mo Na” where she plays a probinsiyana na isang nangangarap na maging kilalang singer mula sa probinsiya nila.
Kabaligtaran ni Ally si Marga.
Sa Wednesday, December 5 na ang showing ng pelikula ni Direk Bona Fajardo kung saan sa Western Samar pa sila nag-shooting and at the same time ay maipakita ang ganda ng lugar.
Co-stars ni Andrea sa movie sina Empress Schuck, Kristel Fulgar at Daniel Matsunaga. Magkakaroon ng red carpet premiere ang pelikula bukas, Tuesday, December 4.
The film is Viva Films, BluArt Production, Spark Samar and Saga Prefecture Film Commission.
Reyted K
By RK Villacorta