Isko Moreno aprub kina Xian Lim at McCoy de Leon bilang Yorme; biopic hindi raw edited version

Leo Bukas

NAKAHARAP na rin finally ni Manila Mayor Isko Moreno sina Xian Lim at McCoy de Leon na gumaganap bilang siya sa Yorme The Musical ng Saranggola Media Productions mula sa direksyon at panulat ni Joven Tan.

Naganap ang pagkita ng tatlo nang mag-courtesy call sina Xian at McCoy sa mismong opisina ni Mayor Isko sa Manila City Hall nitong Huwebes ng gabi, June 17.

Xian Lim, Manila Mayor Isko Moreno and McCoy de Leon

“Speechless ako because I’m excited  to see them and yung end of the project,” lahad ni Yorme habang katabi sina Xian at McCoy.

“I trust the production giving them full account what really transpired me from being a basurero to mayorship. And I hope na especially in these trying times na people are very sad dahil sa mga nangyayari sa ating country and the world, I hope this project may at least one point or another can give hope na huwag mawalan ng pag-asa. Na kapag nagpupursige ka sa buhay, may awa ang Diyos na makakaraos ka rin kahit papaano at baka mapagtatagumpayan mo,” dagdag ni Isko.

Tanong namin kay Yorme, pasado ba sa kanya na sina McCoy at Xian ang gaganap sa kanyang biopic?

“Oo, eh, pareho naman kaming mga mestisuhin” biro niya. “Actually, hindi ako si Isko Moreno, ako si Isko Mestiso. Ha-ha-ha. Charot!” sabay tawa ni Isko nang malakas.

Ayon pa sa interbyu ng PUSH kay Mayor Isko, hindi edited version ng kanyang life story ang mapapanood sa Yorme The Musical.

“I trust the artistic value, talent of the writer, the team and the director. And I trust them also to pick the actors that will portray me. Kasi galing din naman ako sa showbiz kaya I don’t wanna give hard time to the production. They have all the liberty.

Manila Mayor Isko Moreno

“Lahat ng mapapanood nila sa pelikula ay yung mga totoo lang. Yung transition and challenges to transition. Halimbawa, puwede bang mag-artista ang isang basurero? Tapos nabigyan ka ng pagkakataong mag-artista, puwede bang mag-excel yung from artista na walang talent.

“Tapos nung nag-artista ay hinone at ni-nurture niya yung opportunity then napansin.  ‘Ah, posible pala.’ Making a name for himself with the help of the environment in showbiz,” paliwanag ng actor-politician.

Ani Isko, hindi rin siya natatakot na makalkal ang kanyang dark side at mapanood ng tao sa pelikula.

“Remember when my political rivals used my sexy photos during the election. In the pictures, I was only wearing briefs. That particular photo was taken by the late Douglas Quijano in the pool. He was the manager of Richard Gomez. May he rest in peace,” pagre-recall niya.

“Wala naman maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. May ups and downs, may challenges. It was made public. It’s an open book.

Xian Lim, Manila Mayor Isko Moreno and McCoy de Leon

“I’m not ashamed of that. Makikita ninyo yung buong katawan ko except  yung harapan ko, that is for private use only. Ha-ha-ha! Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived,” pagmamalaki ng guwapong alkalde ng Maynila.

When asked kung tatakbo ba siya sa 2022 national election ay hindi na nag-elaborate dito ang alkalde.

“Let’s just work!” natatawa at matipid niyang pahayag.

Wala pang playdate ang Yorme The Musical pero pinag-iisipan ng producer nito na isali ang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival.

Previous articleThings You Didn’t Know About EXO
Next articleREADY NA! Wedding gowns na isusuot ni Ara dalawang sikat na Pinoy fashion designer ang gumawa

No posts to display