Kaloka ang demolition job kay Isko Moreno na tumatakbong senador sa darating na eleksyon.
Actually, it’s the same picture na lumabas 2013 elections nang tumakbo siyang vice mayor ng Maynila.
In short, luma ang picture, pero mukhang yum-yum burger pa rin si Isko sa posing niya na kuha noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Sa totoo lang, hindi ko maalala na pinasok din pala ni Isko ang pagpapaseksi. Ang alam ko lang at naalala ko, ang pelikula nila ni Claudine Barretto noon para sa Seiko Films. Pero hindi ko maalala kung alin ang nauna, ang pelikulang pa-cute (actually si Isko Moreno at Claudine ang nauna sa timplang romcom) ni VM or ang pagpasok niya sa “That’s Entertainment”.
Ang mga recycled photos in Isko na nagkalat ngayon sa social media ay kuha pa marahil noong may ginagawa siyang pelikulang paseksi. Nakabuyangyang ang kabuuan ng kanyang katawan habang suot lang ay ang kanyang white brief na ang interpretasyon ko, heto’t angkinin n’yo ako. Sa picture sa bandang ibaba may short caption na baklang-bakla na mapang-akit na: “Pambansang Ulam sa Senado ng Pilipinas… Kanin pa More…”
Yes, si Isko, tumatakbong senador sa darating na May 9 elections. Pero sa totoo lang, two days ago ko lang nalaman na kumakandidato pala siya bilang senador. Hindi ko talaga siya nararamdaman.
Tanong ko nga sa isang entertainment reporter, magwawagi kaya siya? Simple lang ang sagot ng reporter sa akin: “Dear, this is a nationwide election. Hindi lang naman ito pang-Tondo or pang-Manila lang. 12 lang ang papasok at sa dami ng mga magagaling, ano ang panama niya? Ipagmamayabang ba niya ang short course niya sa Harvard? Ano’ng alam niya sa China crisis at ang Muslim revolution sa Mindanao? Papaano niya ireresolba ang mga drug syndicate at ang corruption sa gobyero? Wala akong naririnig kung ano ang plano niya kung sakaling mahalal siya as a senador.
“Sa mga nagpu-push sa kanya, puro sad story ng kahirapan ang campaign spin nila kay Isko. Puro paawa at galing sa mahirap na pamilya na gasgas na ‘yan sa mga kumakandidato.
“Anong saysay niya sa puntong paggawa ng batas? May alam ba siya sa paggawa ng batas? Baka iasa lang niya ‘yan sa mga staff niya? Nagbabalik si Sen. Ping Lacson na isa sa mga magagaling at matitino nating senador; si Pangilinan, si Guingona, or even Gordon. Alam kaya niya ang pinapasok niya,” tanong ng entertainment reporter sa amin.
Natawa nga ako sa sundot ng entertainment reporter sa tanong namin. “Hindi butas-butas na kalye sa Maceda or ang traffic sa Avenida ang ireresolba niya. Mas malaki ang scope na problema na baka sa kakulangan niya sa kaalaman ay baka pati siya mahulog sa butas.”
Sa ganang akin, mabuti na lang never akong tumira sa Maynila. Mabuti na lang, wala si Isko sa listahan ko ng mga iboboto kong senador at baka mag-init lang ang ulo ko at wala siyang plano kung papaano ireresolba ang China crisis at baka bukas makalawa’y China passport na ang hawak na pagmamay-ari ko.
P.S. Kapag nahalal siyang senador if ever, ide-declare na rin kaya niya ‘yong sinasabing magarang bahay niya sa Ayala Alabang, ang prime lot sa likuran ng KFC sa may PGH at kung anu-anong yaman pa? ‘Pag nagwagi si Isko, ide-declare kanya niya sa kanyang SALN ang mga yaman na ito or tulad din ng mga nauna sa kanya, pare-pareho lang sila?
Ang Tondo residence daw niya, bulong ng isang tagaroon ay ipinatayo niya para sa nanay niya at ‘di na raw nakatira du’n si Isko, matagal na. Basta, word of advice na ang Senado ay hindi “That’s Entertainment” show ng nasirang si German Moreno.
Reyted K
By RK VillaCorta