Gunning a senatorial seat sa darating na eleksiyon, Manila Vice Mayor Isko Moreno also gets his share of nasty talks, ilan dito ay ang kanyang mga umano’y pekeng serbisyo, tirahan sa labas ng Maynila at umano’y tong-pats mula sa parking lot ng ilang establisiyemento sa Taft Avenue.
Isang makabasag-tympanic membrane na “Excuse me!” ang ibinulalas ng aming source nang sabihin naming may pag-asang manalo ang dating aktor.
“Anong ‘ISKOlar ng Bayan’ ang sinasabing proyekto niya sa Maynila? Hindi totoong mga mahihirap pero deserving students ang nakikinabang du’n, ‘no! May bayad ‘yung mga eskuwelang pinapasukan ng mga estudyanteng ‘yon!”
Next hirit ng aming kausap. Oo raw at mula sa Balut, Tondo si Isko pero, “Nanay na lang niya ang nakatira sa magarang bahay na ipinatayo niya ru’n. Si Isko, hindi residente ng Maynila kundi sa Alabang Hills!”
Pagbubunyag pa ng aming impormante, “Dumadaan ka ba sa Taft Avenue na halos tapat ng PGH? May dine-demolish na building doon na katabi ng isang fast food chain. May parking lot na katabi ‘yon para sa mga tenants ng ilang commercial building doon, at may bayad ‘yon na dapat, eh, napupunta sa munisipyo ng Maynila. Ang kaso…,” our source paused in mid-sentence.
Samantala, sa mga naglalabasang survey, wala sa Top 12 ni Isko Moreno. Nasa ika-14 pa raw ito.
Dahil dito, may mungkahi ang aming source para matiyak ang pagkapanalo ni Isko, “Baguhin niya ang Saligang Batas… gawin niyang katorse ang mga Senador every three years!”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III