Isko Moreno, may kakambal na kaipokrituhan ang kawang-gawa

Isko-MorenoVERY NOTICEABLY, quite a number of politicians have invaded the editorial pages of tabloids, with their columns para magsilbing extension ng kanilang paglilingkod sa taumbayan or their constituents.

While languishing in their separate detention facilities, hindi na namin natitisod ang mga pitak nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla. As if naman they have something to write about except their endless complaints, ‘no!

Kamakailan, napukaw ng aming atensiyon ang kolum ni Manila Vice Mayor Isko Moreno (hindi rito sa Pinoy Parazzi). Sa aminin man o hindi ni Isko—like most public servants who maintain regular tabloid columns—ay hindi siya ang mismong nagsusulat niyon.

The least that Isko does is to hire a ghost writer na marunong magsulat at matatas sa paggamit ng wikang Filipino. Isko provides the gist of what he wants written and published, and voila, may kolum na siya!

For a public servant like Isko na hindi na magkandaugaga sa araw-araw na lang na problemang sakit ng ulo ng siyudad—even if born with a gift in writing—maisisingit pa ba ng dating aktor ang pagsusulat ng kolum?

Sad to say, ang pitak pa palang ‘yon ng Bise Alkalde ng Maynila ang aani ng mga batikos bunga ng kanyang kawang-gawang wala sa lugar na may kakambal na kaipokrituhan!

Call it SELECTIVE PUBLIC SERVICE!

In his recent tabloid column, Isko’s heart bled for a certain Nanay Sally Cornejo, isang residente ng Binondo. The elderly is an orange cardholder, na automatic na libre sa anumang govertment hospital sa Maynila.

Isko took potshots at the Jose Abad Sanos General Hospital na sumingil ng P150 para sa X-ray ni Nanay Sally, kung saan sa dakong huli pa ng kolum nito’y may ikinowt pa siyang Biblical verse.

Sana, hindi na lang din namin nabalitaan ang sentimyento ng kaibigang Morly Alinio, isang siyento porsiyentong rehistradong residente ng Maynila (Moriones), na namatayan ng ina kamakailan.

Si Morly lang naman ang reporter who bore witness to Isko’s desolate life bilang isang namamatsoy (nangangalkal ng mga tira-tirang pagkain mula sa mga itinapong basura ng mga kainan) hanggang madiskubre siya sa isang lamayan.

Despite repeated text messages, nailibing na’t lahat ang ina ni Morly, pero ang simpleng hinihiling niyang mga sasakyan mula kay Isko ay hindi pa natugunan. Ni anino ni Isko hardly showed up at the wake.

So, ‘pag tegi na, dedma si Isko kesa kay Nanay Sally?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleRobin Padilla, tinanggap ang offer Singko kahit may kontrata pa sa Dos
Next articlePaolo Bediones, ‘di kabawasan sa respeto ang sex video

No posts to display