Isko Moreno, natuklasan ng kampo ni Erap na bumalimbing kay Lim

Isko Moreno
Isko Moreno

Turncoatism. Sa wikang Tagalog, pamba-balimbing.

Sa ganito nga bang realidad sa pulitika nasadlak ang talunang si Isko Moreno sa pagka-senador? And just who did he reportedly turn disloyal to?

Usap-usapan kasi that at the last minute ay nakialyansa si Isko kay Alfredo Lim na nakatunggali ng nanalong mayor muli ng Maynila na si Erap Estrada. Sumama umano ang loob ni Erap kay Isko Moreno to think na may pinagsamahan sila noon, and were one para igupo ang pagbabalik ni Lim sa panunungkulan.

Kahit sa pangangampanya ni Isko ay nakaalalay pa rin si Erap Estrada sa kanya, huwag na nating banggitin pa ang pinansiyal na suporta ni Erap na balitang to the tune of millions.

Pero mismong ang kampo raw ni Erap ang nakatuklas that Isko had a “secret agenda”. Allegedly, ipinarating daw ni Isko sa mga supporter ni Lim na tama na raw ang naunang termino ni Erap bilang mayor, short of saying na ipagkatiwala na lang ng taumbayan ang tiwala sa binansagang Dirty Harry ng lungsod.

Kung totoo, his “turncoatism” may have been the reason kung bakit olat siya sa pagka-senador, asa pa ba siyang may malulugaran pa sa Maynila sa 2019?

NITONG BIYERNES ng gabi ay muli naming dinalaw ang comatose pa ring kaibigan na si Richard Pinlac sa ICU ng Capitol Medical Center. Ibinalik uli ang kanyang respirator, pero halatang hirap pa rin ang kanyang paghinga na animo’y hinuhugot mula sa kanyang tiyan.

Richard looked having lost weight. At dahil mataas daw ang kanyang creatinine, sumasailalim siya ngayon sa dialysis. If it’s any sign of improvement, naididilat na niya ang kanyang mga mata. Sa katunayan, pumatak ang kanyang luha sa paulit-ulit na pagsasabi namin ng, “Teh, bangon na!”

Bukod siyempre sa tumatayong nanay-nanayan ni Richard na si Cristy Fermin, isa rin sa mga aligagang tumutulong ay si Portia Ilagan. Kabsat kung magtawagan sila ni Cristy, si Portia ay parang miyembro na ng Pamilya Revilla na ilang beses na ring bumibiyahe mula Cavite upang bisitahin at kumustahin ang kalagayan ni Richard.

Si Portia na ang nagprisintang tutugon sa anumang gastos na hihigit sa sasagutin ng PCSO sa tulong ni Ginoong Ayong Maliksi na kilalang angkan sa Cavite.

Ika-sampung araw nang nasa ospital si Richard, hindi na rin biro ang nadadagdagang bills na araw-araw ay mino-monitor ni Cristy. Taimtim na panalangin pa rin ang hiling ng kanyang pamilya’t mga kaibigan (kabilang kami) para sa kanyang agarang paggaling.

Pero kalakip nito’y ang pasasalamat sa mga taong tulad ni Portia Ilagan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSikat at mahusay na aktor na talunan sa eleksiyon, nagbababad na naman sa casino
Next articleFirst leg ng “P-Pop Boy Groups on Tour”, dinumog ng fans

No posts to display