NANG MAKAUSAP NG Pinoy Parazzi si Jeric Raval kamakailan, inamin nitong naghirap siya noong mga panahong naka-freeze ang kanyang career sa Octo Arts Films matapos na ito ay tumanggap ng movie noon sa Regal Films.
“Naghirap talaga ako. Sumadsad talaga ang aking kabuhayan. May pangyayari ngang pinutulan ako ng kuryente dahil wala akong pambayad. Mas ginusto kong putulan ako ng kuryente, kesa naman ibenta ko ang aking kotse.” Pahayag ni Jeric.
Sinabi ni Jeric na ngayong nagbabalik na siya sa showbiz, marami siyang aral na natutunan nang mawala siya sa industriya.
“Hindi naman ako nagwaldas ng aking kinita or nag-drugs ako na tulad ng iba. Ang sa akin lang, mas mamahalin ko ang trabaho ko ngayon. Kasi dati, nawawalan ako ng mga projects kasi mas nabibigyan ko ng priority ang Japan noon. Ang laki kasi ng kinikita which is mali pala. Hindi tulad ng showbiz, kahit mas maliit ang kita kumpara du’n sa Japan, kapag marami ka namang ginagawa, daig mo pa talaga ang nasa abroad.”
Ayon kay Jeric, ang dahilan daw kung bakit hindi siya nagmukhang matanda at nanatiling bata ang kanyang katawan ay dahil never siyang tumikim ng drugs.
“Marami ang nag-aalok sa akin nu’n ng drugs, pero hindi ako nagpadala sa kanila dahil mahal ko ang aking mga anak at ang a-king sarili.”
Sa pagwawakas ni Jeric, a-ming nalaman na nag-audition siya sa isang TV series sa Channel 2, pero hindi siya nakapasa. “Mabuti na rin siguro ang nangyari, kasi ang magiging role ko sana du’n ay matandang-matanda eh, hindi ako bagay sa role kaya napunta na lang sa iba.”
PERSONAL NA KINAUSAP pala ni Mr. M (Johnny Manahan) sina Maja Salvador, Coco Martin at Matteo Guidicelli matapos na magsuntukan ang dalawang aktor nang dahil sa aktres.
Nauna nang humingi ng paumahin si Matteo. “Mabait talaga si Matteo, may breeding ang bata kaya madali sa kanya ang hu-mingi ng sorry,” sabi iyon ng a-ming source.
Kung tutuusin daw, kung meron mang dapat na mag-sorry, si Coco iyon. “Siya kasi ang talagang may kasalanan. Kaya lang siyempre, dahil mas bata si Matteo, kaya ito na lang ang nagpakumbaba.”
Samantala, matapos na hu-mingi ng sorry si Matteo kay Coco, ang Star Magic mismo ang nagpatawag sa dalawang aktor upang magkaayos na nagresulta upang huwag nang pag-usapan pa ng dalawang binata at ni Maja mismo ang nasabing insidente. For short, news blackout.
MASAYA ANG QUIZON family dahil nagkaroon na ng hustisya ang pagkamatay ng binatang si Jelom Quizon, apo ng komedyanteng si Dolphy.
Si Jelom ay namatay sa edad na 24 noong December 18, 2004, kung saan ay binaril ito ng ilang kabataan sa Malindang St., A. Bonifacio, Manila.
Naging masalimuot ang pagkamatay ng guwapong binatilyo pero last week ay nahuli na ang diumano ay kriminal. “Siyempre masaya ang buong pamilya namin dahil matagal na ang case at ngayong nahuli ‘yung bumaril sa pamangkin ko, lahat kami nagsasaya dahil at long last ay nagkaroon na ng justice ang pagkamatay ni Jelom.” Pahayag iyon ni Epi Quizon nang personal na-ming puntahan ito sa Valle Verde sa Pasig, kamakailan.
Ayon pa rin kay Epi, ngayong nahuli na ang kriminal, hindi papayag ang kanilang angkan na hindi maparusahan ang salarin. “Kung anong parusa ang dapat sa kanya, ‘yun ang sa palagay namin ang dapat. Mabigat ang ginawa niya dahil buhay ang kanyang kinuha. Napakabata ng pamangkin ko para mamatay,” sabi pa ni Epi sa amin.
Sa darating na September 27 ang unang hearing ng kasong murder ni Jelom matapos na mahuli ang kriminal sa tulong na rin ng programang Bitag.
More Luck
by Morly Alinio