SA KANYANG Instagram, nag-post itong si Daiana Menezes ng kanyang sentimyento tungkol sa “rape”, “abuse on women” at kung anu-ano pa sa pamamagitan ng mga designed poster-slogan.
May picture siya na ipinot sa kanyang followers na may sugat ang kanyang braso na sa unang tingin, gawa ng matalas na bagay. Parang laslas o nilaslas.
Wala man siyang sinasabi na battered woman siya (and wife for that matter ng isang kongresista); ang iisipin mo, malamang sa hindi ay biktima siya ng karahasan.
Marami ang naalarma. Marami ang na-rattle sa mga nai-post niya. Sa mga social network tulad ng Instagram, Facebook at Twitter, ang sambayanan na nagmamasid at nakikiusyoso, marunong na ring makialam at magbigay ng kanilang opinyon.
Hindi man hayagang nagsusumbog sa sambayanan thru her Instaragam account, ganu’n na rin ang iisipin mo sa ginawa ni Daiana. Kaya pati DSWD, nanghimasok na rin sa isyu. Gustong tingnan ang katayuan ng Brazilian model.
Pero sa isang panayam kay Diana kasama ang “mister” niya na kongresista, idine-deny niya na may ganu’ng pangyayari. There was no rape. She is not a battered woman/wife. Walang ganu’ng istorya, sabi niya sa interview. Sa panayam ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo, para siyang praning na masaya pa na idine-deny ang isyu.
Kung hindi ba naman timang itong si Diana, matino ka ba na magpo-post ng ganu’n na ang taumbayan ay naalarma sa kanyang sitwasyon?
Sabi nga ni Pilar Mateo, what she needs is a psychiatrist. Gawin bang katatawan ang akala ng marami ay sinasaktan siya ng kanyang bagong mister (nagpakasal sila last December sa Las Vegas, Nevada).
Si Daiana, ang lukring na si Diana, sa susunod niyang gagawin ang kabaliwan, pagkakatiwalaan mo pa ba? Siya si Daiana, ang babaeng who cried wolf.
BIGLANG KUMALAT ang “bad attitude” ni Ate Gay sa mga taga-TV5, lalo na ang mga production staff ni Willie Revillame sa kanyang soon to be axed na Wowowillie.
Sabi, nag-inarte raw itong si Ate Gay na ayaw gawin ang isang malaking production number niya sa show (tipong mini-concert) kung saan makakasama niya supposed to be ang comedienne-singer na si Joy Viado.
Ang siste, si Joy ang pang-finale ayon sa inihandang script (singer naman kasi siya) na sabi, umaayaw si Ate Gay dahil between him and Joy, ‘di hamak naman na siya ang “star” at mas popular kaysa sa huli.
Ang ending nag-walk-out daw ito na last minute nataranta ang staff at mabubutas ang segment at ang buong show.
Na-bad trip diumano si Willie. Hindi nagpaalam si Ate Gay sa pagalis nito.
As of this writing, hinahagilap si Ate Gay para bigyan linaw ang isyu.
Off na off sa amin ang naging ugali ni Ate Gay na ngayon ay tinatawag na “attitude” ng mga staff.
Kung talent din lang naman, ‘di hamak na may boses at talent si Joy kumpara sa kanya.
We’ve witnessed the greatness of Joy’s talent sa ilang pagkakataon and never experienced ang nagiging attitude ng ibang “sikat” just because nakapag-show na sa MOA Arena which we find boring at recycle (o baka nagsawa na kami kay Ate Gay sa acts niya sa comedy bars).
Sabi nga ni Joy sa kanyang e-mail reply sa amin, “Ok lang ‘yun kung mas kilala siya sa akin. No problem sa akin. Hindi big deal sa akin,” she wrote.
For those who don’t have any idea who Joy Viado is: Grand Champion siya sa Fe S. Panlilio Scholarship Awards in 1992 at kabilang sa ilang mga legitimate theatre play na mostly musical productions at kabilang na ang Magsimula Ka.
Say nga ni Joy sa kanyang e-mail, “I enjoy what I’m doing, I love what I’m doing, and passion ko ang pagkanta, gusto ko lang masaya at matuwa ang mga tao sa mga ginagawa ko, ‘yun lang.”
Kung boses at talent din lang naman between Joy and Ate Gay, sa totoong talent na kami. Kay Joy na kami.
Reyted K
By RK VillaCorta