LIVING UP TO the ‘Flop Star’ monicker ba itong si Sarah Geronimo? We heard na sa last concert tour niya outside of the country ay isa lamang ang naging big hit talaga, ang show niya sa Toronto, Canada.
True ba ito Sarah?
Anyway, hindi naman nagpaawat ang sandamakmak na fans ni Sarah at instrumental sila sa pagwawagi ni Sarah ng limang award sa katatapos na 6th ASAP Pop Viewers Choice Awards.
Inilampaso ni Sarah ang mga kalaban niyang celebrities nang makopo niya ang limang awards. Nagwagi si Sarah bilang Pop Female Artist. Ang kanyang music video na “Right Here Waiting” ang tinanghal na Most Popular Pop Music Video.
Nagwagi rin ng Pop Movie Theme Song award ang kanta niyang “Love Will Keep Us Together” na theme song ng movie niya with Judy Ann Santos na Hating Kapatid. Pop Album award naman ang nakuha niya para sa album niyang “Music & Me”. Iginawad rin sa kanya ang Best Pop TV Theme song award para sa “You’ll Always Be My Number One” na ginamit sa show niyang IDOL.
First time naming na-interview ang former PBB housemate na si Ivan Dorschner at sobrang naaliw kami sa kanya. Marunong na kasi siyang mag-Tagalog at marami na siyang alam na salita.
Unlike other Fil-Am actor na nakilala namin, nag-e-effort si Ivan na mag-Tagalog sa aming interview. Determinado talaga siyang matuto ng ating lengguwahe.
Kasama si Ivan sa bagong launched na teen show ng Dos, ang Shoutout. Tinanong namin siya kung paano siya magniningning kung ang dami niyang kasabay na young stars sa nasabing show.
“Gano’n ang plano namin. Hindi talaga kami magiging competitor. Parang mabuting examples kami sa lahat ng bata,” esplika ni Ivan.
Sobrang nami-miss ni Ivan ang kanyang pamilya na nasa US. Ang tanging therapy na lamang niya ay ang pagtatrabaho nang mabuti.
“I work harder. I want na maging proud sila sa lahat ng ginawa ko,” sabi ng binata. “Kung puwede sana puntahan ko sila sa US. Miss ko na ang family ko,” may halong lungkot na sabi ng Fil-Am actor.
At para maibsan ang kanyang kalungkutan sa Christmas, ito ang gagawin ni Ivan. “Siguro I’ll talk to them on the phone. Then I’ll make videos.”
Ikinuwento ni Ivan ang Christmas experience niya sa US. “We celebrate it with my dad’s family. We go to their house. We also go to my mom’s side. We spend time together with my titos, my titas, my nieces. Meron kaming laro. Kunwari lalaki ako, nagdala ako ng gift na panlalaki. And then we have raffle. Panlalaki ito. They just get it from the box.”
BLIND ITEM: NAKAKATAWA ang isang female TV host na ito na hiwalay na sa kanyang asawa.
May line-up of guests para sa kanyang show, pero isa talaga ang nagmarka sa TV host – isang morning show junior host.
Ayaw palang i-guest ng female TV host ang female junior host na ito, matapos niya itong mapanood sa isang awards night. Nang magwagi kasi ang show ng junior host ay nagpasalamat ito sa Diyos. Kaya lang, panay raw ang banggit nito ng “my God” sa kanyang speech kaya na-turn off ang female TV host. Feeling nito, sinolo ng morning show host ang Diyos.
How petty, ‘no? Sino ang female TV host? Well, nagbigay na ako ng clue kanina.
Ang junior host? Ilang buwan palang siyang kasal pero wala pa siyang anak. Ang apelyido niya ay may kinalaman sa datung! Get’s n’yo?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas