AYON SA leading man ni Alessandra de Rossi sa pelikulang 12 na si Ivan Padilla, hindi raw siya mapapagod to chase his Hollywood dream na nasimulan na rin niya almost 10 years ago.
“ Nagsimula akong umarte sa L.A. Gumawa ako ng mga TV shows tulad ng Dexter, CSI: Miami, CSI: New York at The Closer. Siguro ‘yung Dexter ang pinaka-well known na ginawa ko,” kuwento niya sa amin.
Patuloy niya, “Balang araw babalik ako do’n. Kasi I came so close na rin, eh. I did everything I could to get so close. Ang kulang lang is my own series doon. Don ka kasi sisikat, don ka magkakapera kapag may sarili kang series.
Na-disappoint ba siya na hindi nag-materialize ang pangarap niyang makilala nang husto sa US?
“Hindi naman disappointed, alam mo naman kung gaano expensive lahat sa US but my acting job paid for all of that. It paid for my car, my college, my living expenses, my whole life, eh.
“Kung ang goal ko talaga ay maging millionaire, disappointed ako. But that wasn’t my goal, eh, I just love acting and because I love acting. So, I don’t feel disappointed, I feel like I learned so much,” katwiran pa niya.
Pero aminado si Ivan na talagang nahirapan siyang i-pursue ang acting career sa US.
“Sobrang hirap do’n, eh, very competitive. Buong mundo pumupunta sa Hollywood para maging international star. Ang problema do’n kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako sikat sa US is because of my race, eh.
“Hindi naman racial discrimination, it’s just that kapag lead, inaasahan ng mga tao na white guy yan,” kuwento niya.
Samantala, habang nasa Pinas ay sinamantala muna niyang gumawa ng pelikula sa Viva. He is also very proud na nakatrabaho niya si Alessandra na ayon sa kanya ay napakagaling na artista.
La Boka
by Leo Bukas