BLIND ITEM: Ilambeses na palang inaabot ng alas-tres nang madaling-araw kung umalis sa bahay ng isang guwapong young actor ang isang young actress na kilalang-kilalang “tikimera” ng mga guys.
Kahit nga pinagpipistahan na siya ng mga kalalakihan as in nagko-compare notes na nga ang mga ito, dahil siya nga ang “common denominator” ng mga young actors na ito ay wa siya care. Basta feel niya, kakaririn niya para “ma-one-night stand” niya ang guy.
At ang latest nga ay tawagin nating si “Hari”.
Laging nagtutungo sa house ni “Hari” si “Ms. Crown” para magpadilig ng kanyang “halaman” sa young actor na si “Hari”.
Clue?
Itanong n’yo sa mahal na reyna at sa mahal na Prinsesa.
JUICE KO, sana, itong si Iwa Moto ay asikasuhin na lang ang kanyang career para magkaroon siya, kesa idawit pa si Jodi Sta. Maria sa mga kagagahan niya.
Granting na totoong nagkarelasyon 2 years ago ang boyfriend niya noon na non-showbiz ke Jodi, ateng… 2 years ago pa ‘yon.
Kung kayo na ng ex-husband ni Jodi na si Pampi Lacson, dapat, happy ka na. O, baka happier ka kung mangangaladkad ka ng nananahimik na tao para guluhin.
Ayan tuloy, negang-nega ka sa twitter. Inookray ka. Kasi nga, “nananahimik” ang career mo, gusto mong mag-ingay, kaya ayan tuloy, naokray ka to death.
O, sige, granting that you were telling the truth. So, anong buti ang magagawa sa ‘yo na mandadawit ka pa ng name? Imbes na manahimik ka?
Ba’t hindi mo na lang ayusin ang buhay mo, ateng? Sino ba sa inyo ni Jodi ang laging naiisyu? Dapat, mag-mature ka na, ‘teh. Hindi porke dyowa mo si Pampi, feeling mo, ikaw na rin ang nagluwal sa anak nila ni Jodi.
Pirmi ka lang sa lugar mo. Du’n sa lugar kung saan me nakaposisyon na, ‘wag mo nang guluhin. Unless nga, nagiging happy ka kung gusto mo ng magulong buhay.
Magbago ka na, ateng. Bago pa me magtanong sa ‘yo kung ano’ng tinira mo?
AAMININ NAMING mas aliw kami sa Kimmy Dora kesa sa Kimmy Dora And The Temple Of Kyeme, dahil siguro hindi pa namin alam noon ang character ni Kimmy at ni Dora.
But in fairness, nakakaaliw din ang part 2, huh! Hindi siya nakakainip at ang bilis-bilis ng pacing niya. Mahusay ang pagkakadirek ni Bb. Joyce Bernal at pati ang editing at ang nakakalokang production design na hindi talaga tinipid.
Ang husay-husay ni Eugene Domingo. Hindi mo siya mararamdamang si Eugene siya. Talagang malinaw na malinaw ang difference nina Kimmy at Dora. Hindi rin pilit ang mga patawa.
Kaya watch n’yo, mag-e-enjoy rin kayo.
GAWIN NA sanang regular host ng It’s Showtime si Carmina Villarroel, dahil ang bilis-bilis niyang maka-adjust sa tema ng programa at sa mga main hosts.
Kung mangyayari ‘yon, mag-thank you pala dapat si Mina kay Anne Curtis pagbalik after a month of vacation and doing a Hollywood movie.
Mahusay si Mina na mag-host. At present na present pa rin ang candidness nito na puwedeng samantalahin ng mga co-hosts.
Medyo dapat mag-evolve lang itong sina Jugs at Teddy, dahil ilang taon na ang show, wala pa rin kaming maramdamang “bago” sa ginagawa nila. Sana, isip sila ng bago.
Oh My G!
by Ogie Diaz