Sabay ini-launch ng Kapuso network ang dalawang bagong Sinenovela nila na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon at Iza Calzado. Kamakailan lang lumabas na may rivalry raw ang dalawang magbestfriend. Si Sunshine ang bida sa tv version ng Tinik sa Dibdib kasama sina Marvin Agustin, Ara Mina Bembol Roco at Michelle Madrigal. Si Iza naman ang bida sa Kaya Kong Abutin ang Langit kung saan supporting cast niya sina Wendell Ramos, Angelika dela Cruz at Isabel Oli.
Sa nasabing launch ay pinagtapat pa ni Mam Wilma Galvante ang dalawa para patunayan na walang seryosohang iringan na namamagitan sa kanila. Hmmm… ratings wise kaya, sino ang mas nakaaangat?
By Mica Rodriguez
Photos By Luz Candaba
Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service