NAGING MAINIT ang usapin ng halikan ng magpinsang sina Isabelle Daza at Georgina Wilson sa lumabas na litrato nila bilang suporta raw sa gay rights. Lumabas ang naturang larawan sa Instagram ni Isabelle last Thursday, June 27.
Noong July 1 naman, isang ‘kissing photo’ din ng dalawang babae ang lumabas sa Instagram – this time, sina Eugene Domingo naman at Iza Calzado ang naghalikan.
Kuha ito sa isang eksena ng dalawa sa pelikulang ‘Kuwentong Barbero’ na isinulat at idinirek ni Jun Lana.
Ayon sa post na ito ni Noel Ferrer, manager ni Iza, makikitang magkalapat ang mga labi ng dalawa habang nakapikit.
May caption itong ‘INSTAGRAM PREMIERE: ‘Sa halik mo ako’y lalaya…” Jun Lana (“Kuwentong Barbero)…Coming soon.
Matatandaang sinabi ni Eugene noon na matapang daw na babae ang kanyang role sa pelikula. Aniya, “Napakatapang ng pelikulang ito, at ito ay minsan lang darating, at least ang artistang katulad ko ay mabigyan at mapagkatiwalaan ng papel ni Marilou dito sa Kuwentong Barbero kaya nagpapasalamat ako na napasama ako.”
Ang role na ito ay unang inalok kay Kris Aquino, pero tumanggi ito dahil ayaw niyang magpakalbo.
ISANG BONGGANG presscon ang inihanda ng Samsung Galaxy Young para sa entertainment press last Wednesday sa may 55 Events Place Morato kung saan ini-launch ng Samsung ang kanilang bagong ambassador na si Yeng Constantino.
Dito ay inamin ni Yeng na sobrang naninibago siya sa buhay na may karelasyon.
Pero congrats pa rin dahil at least nakahanap na rin ito ng boyfriend na time immemorial simula nang pumasok ito sa showbiz ay walang napabalitang manliligaw. Kaya nga ‘di ba pinagdududahan ang kasarian nito? Pero presto, may nobyo na ang singer.
Back to the event, sinabi ng taga-Samsung sa amin na ito ay panimula pa lang nilang pa-presscon sa mga taga-showbiz press and more to come – with more prizes pa at stake. Thank you Samsung and Miss Odette Velarde and all.
HAWAK NA raw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant of arrest laban sa magaling na director na si Carlo J. Caparas.
Matatandaang inilabas ng Quezon City RTC ang naturang warrant noong nakaraang buwan pa matapos lumabas sa preliminary investigation ng korte na hindi siya nakapagbayad ng VAT (Value Added Tax).
Sa ulat ng TV Patrol noong Miyerkules ng gabi, July 3, 2013, sinabi ni NBI Director Atty. Nonnatus Rojas na wala raw celebrity treatment na ibibigay kay Direk Carlo J. ang ahensiya.
Aniya, “Pare-pareho naman ang treatment namin sa mga naisyuhan ng warrant of arrest, celebrity man o hindi.”
Kaya mas mabuti raw na harapin na lamang nito ang kaso sa NBI o maaari ring idaan niya sa kanyang abogado.
Dagdag pa ni Atty. Rojas, “Puwede namang sumuko, puwede rin siyang magpiyansa.”
Eighty-thousand ang inirekomendang piyansa ng korte para sa apat na warrant of arrest kay Direk Carlo.
Ayon naman sa Bureau of Internal Revenue (BIR), bukod daw sa hindi nakapag-file ng VAT si Direk ay hindi rin daw ito nagbayad ng tamang buwis. Ayon pa sa ahensiya, possible pa raw madagdagan ang mga kasong isasampa laban dito.
Sabi pa ni BIR Commissioner Kim Henares, “They said they filed, but based on our record there’s none. So that’s another case. It might create another criminal case.”
Tumanggi raw magbigay ng panayam si Direk Carlo J. pero ayon daw sa kayang staff, nasa probinsiya lang daw ito at hindi nagtatago. Babalik daw ito sa Maynila para harapin ang kanyang mga kaso.
Sure na ‘to
By Arniel Serato