MALAKI ANG paniniwala ni Iza Calzado mapapansin ang acting talent niya as an actress sa teleser-yeng Kahit Puso’y Masugatan ni Direk Wenn Derams. Wala raw project na ginawa niya na nakasira sa career niya kahit nu’ng time na nasa GMA-7. Naniniwala kasi ang dalaga na bawat project na ginagawa niya, ibinibigay ang best performance nito.
“There should never be just one project that can break you. There can be a project that can make you because people will notice you but unless it’s such a bad performance. Bad performance, you can still given another opportunity to make it better,” paliwanag nito
Maintriga rin naming tinanong ang actress kung papano niya napapanatiling pribado ang kanyang personal life outside showbiz kahit nauuwi rin sa hiwalayan ang lahat. “I think, I give enough. I mean, much more to give the guy that I normally date not in the industry any way. You know, I think I’ve given enough…” turan niya.
As much as possible, ayaw ni Iza na pag-usapan ang tungkol sa kanyang personal na buhay, pero hindi naman daw niya ipagkakait kung sakaling lumagay na siya sa tahimik in the near future. “Malalaman naman nila kapag tapos na,” matipid na sabi ni Iza.
Bakit nga ba hindi nagtatagal ang mga nakarelasyon ng actress? “Hindi ko rin alam. Perfect ba naman ang lahat ng relationship? Alam mo, tinatanong ko rin ‘yan sa magulang ko. Kay Daddy, bakit hindi nag-workout ‘yung marriage ninyo ni Mommy? Kapag may mga parents na naghiwalay, tanong ko rin ‘yan, what happened? And then, when their marriage didn’t work, I always ask them also why? Pinoy, timing, differences… I mean, ganoon lang talaga. Sadyang ganyan lang ang buhay.”
Matagal din bago naka-recover si Iza sa last relationship niya. “Hindi naman ako inaabot ng taon. Friends, workout, happiness… ‘yun,” simpleng turan nito. Pero patuloy pa rin siyang magmamahal kahit tatlong beses na siyang nasawi sa pag-ibig. “I’ll never stop loving, marami na… hahaha! I think, I had three serious ‘yung nature ng relationship na ‘yung talagang I will have to count as love.”
Marami ang nagsasabi na para mag-last ang isang relationship, kailangang su-bukan nilang mag-live-in. Sa pananaw ni Iza, sumasang-ayon kaya siya sa live-in relationship? “Hindi rin, depende… there’s no rule. I think, in relationship there’s no rule.”
Kahit puso’y palaging masugatan, hindi mapapagod ang puso ni Iza na hanapin si Mr. Right. Hindi kaya nasa showbiz lang ang lalaking magiging katapat ng sugatang puso ng dalaga? “Hindi po natin alam, ayaw ko. Hehehe! Kaya nga po kakatok at saka… never say ,never.”
Ano kaya’t dumating ‘yung time na ma-develop si Jake Cuenca kay Iza dahil palagi silang magkasama sa taping, may pag-asa kaya ang binata? “Wow, ha! Ako ba ‘yung pakakasalan niya? Well, magka-age kami n’yan, hindi five years ang tanda ko sa kanya,” umiiwas na sagot ng dalaga.
If ever? Tanong uli namin sa kanya. “Ganu’n talaga? Tatanggapin ko…”
‘Yun na.
MASUWERTENG NAPILI ng Sun Life Financial ang mga baguhang directors na gumawa ng Sun short film for 5-7 minutes na sina Direk Jun Reyes (1945), master storyteller with 20 years of directing television commercials here and abroad; Jolly Feliciano (Life in a Day), first TV spot won him the Creative Guild’s Ad of the Month; Chris Martinez (Oh My Goth), as a playwright, he is a multi-awarded Palanca Memorial Awards for Literature recipient; Nicolo Reyes (The Debt), he was done award-winning videos for popular artists and bands, has brought his suprising executions to television commercial projects; Jerrold Tarog (Sun Dance), started out as a composer, creating film scores for award-winning Filipino directors; and Jim Libiran (Araw), he’s also working with Sun Life Financial but this time with Sun Life Asia’s regional short film called Experience the Sun.
Napanood namin ang bawa’t short film ng bawat director at nakaka-impress ang iba’t ibang mensahe nila sa publiko through their films.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield