MORE THAN TWO months nang magkahiwalay si Iza Calzado at ang boyfriend n’yang businessman na si Atticus King, pero masasabi ng isa sa mga leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Panday 2 na magkaibigan pa rin silang dalawa, kahit tapos na ang kanilang relasyon.
Sa katunayan, nagkaka-text pa rin naman daw sila paminsan-minsan para magkumustahan.
Bagamat inamin ni Iza na hanggang ngayon ay nasa moving-on stage pa rin s’ya, kapansin-pasin ang ganda ng aura sa mukha ng aktres at ang kanyang magandang figure.
After Eat… Bulaga! kasi at kung wala namang shooting ng pelikula, nagwo-work out o ‘di kaya ay tuma-takbo raw si Iza.
Hindi lang masagot ni Iza ang aming tanong kung willing ba s’yang tanggapin ulit ang kanyang ex-boyfriend kung sakaling bumalik ito sa kanya.
Samantala, magkakaroon pala ng dalawang bagong shows si Iza sa GMA-7.
Ang una raw ay ang Showbiz Exclusives na ipapalabas na ngayong Oktubre, habang ang month-long drama anthology ng aktres in celebration of her 10th anniversary in showbiz ay mag-uumpisa nang mag-taping ngayong buwan at mapapanood sa Nobyembre.
Ang alam namin ay sa katapusan ng November matatapos ang exclusive contract ni Iza sa Kapuso Network.
Ang balita namin, may offer naman daw ang Siyete sa aktres, pero tila may mas magandang offer ang TV5 sa kanya.
Ang isa pa sa latest tsika about Iza ay ang pagtanggap n’ya at ng kanyang manager na si Noel Ferrer sa pelikulang in-offer sa kanya ng Star Cinema bilang girlfriend ni John Lloyd Cruz para sa third movie installment at muling pagsasama sa wakas ng aktor at ni Sarah Geronimo na ididirihe muli ni Cathy Garcia-Molina.
Uumpisahan ang nasabing pelikula pagkatapos ng first movie team-up nina John Lloyd at Angel Locsin na nagsimula nang mag-shooting two Mondays ago sa Batangas habang nananalasa ang bagyong Pedring.
NAG-UUSBUNGAN TALAGA NGAYON ang mga condominium sa Kamaynilaan. At isa na rin ito ngayon sa maraming ineendorso ng mga artista, gaya ni Erich Gonzales.
Ang tinaguriang Maria la del Barrio ng bansa na si Erich ang masuwerteng napiling endorser ng Birch Tower (a 50-story high-rise condominium located in the heart of Manila) ng Mirobeni Property Holdings na buong konsepto ng mahusay na arkitekto na si Arch. Dick Goduco II.
Ang ilan sa mga naging proyekto ng Dick Goduco & Associates ay ang Makati Central Police Station, San Beda Sports Complex, Graduate School building ng De La Salle University at Word Health Organization (WHO) building sa United Nations Avenue.
Kaya maging isa sa mga ma-suwerteng magiging kapitbahay ni Erich sa Birch Tower.
Franz 2 U
by Francis Simeon