SI IZA Calzado ba ay regular na sa ASAP 2012? If so, pasok sa banga, ‘ika nga. Napanood namin siya kahapon at nagkaroon siya ng class sa amin, in fairness.
Pero sa isang production number na sinalihan niya, napunit ang pundya ng pants niya. Buti, hindi nagtuluy-tuloy, hehehe!
Kalokah, ‘no? Kahit ano’ng galing ng performance, ‘pag sinusuwerte nga naman. At least, walang keps na nag-hello Philippines and hello, world!
ANG SIPAG naming mag-tweet kahapon dahil inupuan namin ang panonood ng ASAP Supreme at Party Pilipinas. Kung anu-ano ang nakikita namin at itinu-tweet namin. Balanse naman ang aming mga ipino-post na tweets. Negative at positive naman.
Kaso, hindi mo rin talaga ma-please ang lahat dahil kinukuwestiyon ng iba ang aming loyalty, dahil bakit daw hindi kami nakatutok lang sa ASAP 2012?
Kaya naman nag-tweet kami na kelan pa kinitil ang karapatan ng kahit sino na manood ng gusto niyang palabas? Nasaan daw ang loyalty namin? Huh?!
Alam naman ng management ng ABS-CBN na ang loyalty namin ay sa kanila, dahil ever since naman ay sa ABS-CBN na kami umaasa ng kabuhayan showcase. Pero naniniwala naman kami na hindi naman kinikitil ng ABS-CBN ang kalayaan naming manood sa ibang channels.
In the first place, me naimbento na bang TV na isa lang ang channel? Bakit ba merong remote control ang TV at kumpleto naman ang mga numero roon mula 0-9, ‘di ba?
O sadyang meron lang mangilan-ngilang initials ng dyowa ni Regine Velasquez?
BLIND ITEM: Habang nanonood ay biglang nag-commercial gap sa Party Pilipinas. Ipinalabas ang isang TV commercial, kung saan nagsama ang isang aktor at isang sexy actress. Nalokah kami dahil TV commercial na lang, medyo kulang pa sila sa acting pareho.
Dapat siguro, habang walang ginagawa o hindi naman masyadong busy ay bakit hindi mag-workshop sa akting? Matagal tagal na rin naman silang artista, pero sana me progress naman habang tumagal, ‘di ba? Hindi naman namin sinasabing walang progress, pero ang bagal lang siguro ng asenso in terms of acting.
Sana alagaan nila na linangin ang kanilang craft dahil ito ang nagbibigay ng kanilang livelihood program.
O sadyang nalasing lang sila sa alak na ine-endorse nila?
Oh My G!
by Ogie Diaz