MASUWERTE si Iza Calzado dahil kung kailan siya ikinasal kay Ben Wintle at nagkaasawa ay saka naman mas dumami ang kanyang offers na gumawa ng peikula.
Bida ang aktres ngayon sa Cinemalaya movie na Pandanggo sa Hukay.
“Ewan ko nga, anong nangyayari. Sabi ko nga, napa-ano nga ako, eh. Sabi ko, there must be so much content being made at the moment coz I had to turn down three projects,” pagtatapat ni Iza.
Patuloy niya, “The way it is now, sabi ko, baka ang dami, kasi bakit nu’ng 20s ko ang dami kong nganga moments. Bakit ngayon parang… anong meron?”
Dumating din daw sa punto noon na marami siyang nganga moments dahil walang trabahong pumapasok.
“I think the last five years ang dami kong nganga moments — yung wala, tambay-tambay, ganun. Kahit earlier this year parang Feb., March wala.
“But March, this (Pandanggo Sa Hukay) was offered to me na. Sabi ko, anong meron? Kasi iniisip ko rin baka din… may iWant na kasi, di ba?
“Dati kasi nung 20s at early 20s ko kailangan mainstream yung pelikula mo kung hindi nganga ka. Kokonti pa lang ang nagsi-Cinemalaya noon,” dire-diretso pa niyang pahayag.
“Pero whatever it is, I’m very grateful that there’s so much content na ginagawa for film, digital, for TV because that means there’s more job opportunities for us, not just actors kundi sa production people din. It’s exciting time, di ba?” dagdag pa ng magaling na aktres.
La Boka
by Leo Bukas