IKATLONG SULTADA na ngayon ang My Mother’s Secret, GMA’s newest early primetime drama series na umeere bago ang 24 Oras. The good news is that, warmly received ang bagong putaheng ito na tumatalakay sa pagmamahal ng isang anak sa kanyang anak, and vice versa that only goes to show na malalampasan nito ang pag-iimbot o kasakiman sa ngalan ng ambisyon.
Hindi tuloy namin maiwasang ikumpara ang plot nito sa real-life story ng mag-iinang Jackie Forster, Andre at Kobe. In MMS, Vivian (Gwen Zamora) is a reluctant mother na kinailangang ipaampon ang kanyang anak na si Neri (Kim Rodriguez) by Anton (Christian Bautista) in pursuit of her dream.
Sa totoong buhay, Jackie—dala na rin daw ng kanyang murang edad—seemed unprepared for early motherhood. Hindi man ipinaampon ni Jackie ang kanyang mga supling kay Benjie after their separation, the latter’s girlfriend who later became his wife (Lyxene) ang kinalakihan na bilang ina nina Andre at Kobe.
Sa nagsimula nang soap ng GMA, it’s the mother’s well-kept secret that the daughter tries to unravel. Sa kaso ni Jackie, how much does her children by Benjie kaya know ang tungkol sa umano’y lihim ng kanilang ama na isisiwalat daw nito based on her latest Instagram post?
Bukod sa mga naibunyag na noon ni Jackie, handa ba either si Andre or si Kobe to acknowledge ang “my father’s secret”?
Naisara na sana ang kabanatang ito ng pag-e-emote ni Jackie about her alleged ugly past with Benjie if it were not for Andre’s and Kobe’s tribute ek-ek sa kanilang adoptive mother nu’ng Mother’s Day on social media.
Napalampas na sana ni Jackie ang ganoong pagtrato sa kanya ng kanyang mga anak, but for Benjie for having not lifted a finger para pagsabihan naman ang mga ito to refrain from treating their mom that way ay ang aktor na ang may pagkukulang.
Is it true na nang may isang reporter ang nagtanong kay Benjie tungkol kay Jackie ay tumalikod ito? Guilty?
MEANWHILE, SA darating na Lunes (June 1) ay tatapatan ng Pasion de Amor ang My Mother’s Secret.
A Colombianovela na nagkaroon na ng maraming adaptations sa maraming bansa, kuwento ito ng paghihiganti ng mga Samonte brothers (Jake Cuenca, Ejay Falcon at Joseph Marco) laban sa Pamilya Elizondo sa pagkamatay ng kanilang bunsong kapatid na babae.
The brothers exact revenge on the Elizondo sisters (Arci Muñoz, Ellen Adarna at Coleen Garcia) by making these girls fall for them.
With a principal cast na nagseseksihan enmeshed in a story about love and passion (hence the title), puwedeng sabihing isang soft porn on primetime block ang PDA. ‘Yun nga lang, isinasaalang-alang dito ang 6 pm time slot (before TV Patrol) with a mixed audience na kinabibilangan ng mga minors (it replaces Inday Bote) as well as the strict MTRCB guidelines to comply with.
“Skin kung skin!” daw ang aasahang exposure ng mga manonood given three good-looking, daring pairs na kinailangan pang sumailalim sa series ng sensuality workshops.
A trite plot kung tutuusin, with more flesh in the guise of drama ay parang nanumbalik lang sa aming kamalayan ang mga pelikulang tatak-Seiko Films noon under the direction of the prolific Rico Mambo.
This time though, hindi Rico kundi Enrico (Eric Quizon) ang naatasang magdirek nito.
There’s still the “mambo” as in “mamboso” kayo.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III