NANDITO SA Pinas ngayon si Jackie Forster, ang ex-wife ni Benjie Paras na umaasa na mapatawad na siya ng dalawang anak na sina Andre at Kobe Paras.
Last Thursday, pumayag magpa-interview si Jackie sa Aquino and Abunda Tonight at natural naungkat doon ang isyu niya sa dalawang anak na hanggang ngayon ay ayaw pa rin raw siyang kausapin dahil may nagawa raw itong kasalanan na hindi magawang makalimutan ng dalawang anak. Kung hindi raw siya nagkakamali ay two years ago nang huli silang nagkausap.
“Ang the last time I spoke to them, or trying to speak to them, what they asked me was for space. Right? A few years ago, nagkaroon ng controversy because they said something bad about me on TV out of nowhere. So, I had to react, which is why I made a video for them. But I feel like I’m doing what they’re asking of me, which is space, ” pahayag ni Jackie.
Nilinaw rin ni Jackie ang paniniwala nina Andre at Kobe na iniwan niya ang mga ito para lang sumama sa ibang lalaki. Wala raw ‘yung katotohanan at may katibayan siya para patunayan ito.
When asked kung handa ba siyang maghintay para mapatawad ng dalawang anak, even if takes forever, “At this point, I’ve asked for forgiveness for whatever it is. If there is something else that’s bothering them, I’m willing to talk about it. And it seems the doors are closed. Ang dami nang nangyari. Nagkasakit na ‘yung kapatid nila and everything, hindi pa rin lumambot ‘yung puso nila. I feel like, it’s tama na, it’s time to kinda, anyway, let it go. I will never stop loving them. But you know, it’s just tiring, just tiring. But I don’t wanna cry,” say ni Jackie na pigil ang pag-iyak.
“Hanggang saan ako magmamakaawa? Hanggang kailan ako magbi-beg na pagbigyan nila ako, na bumalik sila sa akin? Na bumalik ‘yung loob nila sa akin? Hindi ko na… parang mas pagtuunan ko na ng pansin ‘yung pamilya ko, ‘yung pagmamahal sa akin. ‘Yung mga nagpapakita na kailangan at gusto nila ako sa buhay nila,” aniya.
Payo naman ng mga matatanda sa magkapatid na Andre at Kobe. Kahit na anong sama raw ng magulang ay magulang mo pa rin sila. Tandaan, kung wala sila, lalo na ng isang ina ay wala kayo sa mundong ibabaw. Sumikat man kayo ngayon (kung sisikat), panandalian lamang ‘yan, dahil hindi ninyo minahal at kinilala ang taong nagbigay sa inyo ng buhay.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo