LUMALAKING MAGANDA at biba raw ang baby girl ng award-winning actress na si Sunshine Dizon at ng hubby nitong si Timothy Tan na isang businessman/ pilot, tsika nga ng proud lola na si Tita Dorothy na nakikita niya raw sa kanyang apong si Doreen Isabel nu’ng bata pa si Sunshine.
Little Sunshine nga raw ang tawag ni Doña Dorothy sa kanyang apo dahil hawig daw ito kay Sunshine at kuhang-kuha raw nito ang pagiging biba ng ina. Kaya naman daw ‘di malabong mag-artista rin ito paglaki, lalung-lalo na’t nasa dugo naman nito ang pagiging artista dahil sa kanyang Mommy Shine.
Pero ayon kay Tita Dorothy, depende pa rin daw iyon sa mag-asawa (Sunshine at Timothy), kung papayagan nila si Doreen Isabel na mag-artista kapag lumaki-laki na. Pero kung si Tita Dorothy raw ang tatanungin, mas gusto muna niyang makita ang kanyang apo sa TV commercials bago mag-artista.
UNTIL NOW ay naghihintay pa rin daw ng panibagong project ang Kapuso at GMAAC prime artist na si Jackie Rice na 8 months na raw bakante after matapos ang kanyang afternood soap na Sisid na pumatok naman at nag-rate.
Hindi nga raw alam ni Jackie kung bakit hindi na nasundan pa ang kanyang pagbibida sa GMA samantalang mataas naman ang rating ng kanyang soap. Mabuti pa nga raw ang kanyang mga co-stars sa said show like JC Tiuseco ay sunud-sunod ang proyekto at hindi nababakante.
Sana nga raw ay mabigyan na siya ulit ng bagong soap ng GMA, dahil masyadong nami-miss na raw ni Jackie ang magkaroon ulit ng bagong drama soap, mapa-tanghali man o mapa-primetime.
MARAMING NAPAPABILIB sa kanyang husay sa pag-arte ang anak na lalaki ng mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde via EBoy. Marami nga ang nagsasabi na mana kay Ms. Sylvia ang kanyang anak kung husay sa pag-arte ang pag-uusapan.
Pero ayon kay Arjo nang makausap namin, mas magaling sa kanya ang kanyang Mommy Sylvia dahil nanalo na raw ito ng award. Masasabi lang daw niyang mahusay na siya kapag nakasungkit din siya ng tropeo bilang pagkilala sa kanyang husay sa pag-arte.
Alam daw niyang mahirap makasungkit ng award, pero willing daw siyang maghintay at habang naghihintay ay mas paghuhusayan daw niya ang pag-arte nang sa ganu’n ay mapansin siya ng mga taong nasa likod ng mga award-giving bodies.
ISA SA inaabangan ngayong taon sa Aliwan Festival sa kanilang ika-10 taon na gaganapin ngayong April 14, 2012 sa harap ng NBC (National Broadcasting Corporation), ang pambato ng Batangas mula sa bayan ng Tuy sa kanilang Mamang-os at Kambingan Festival sa pangunguna ng kanilang masipag at mabait na Mayor Jey Cerrado.
Pinagsasama-sama ang mahuhusay na mananayaw mula sa apat na eskuwelahan na bumubuo ng delegado ng Tuy mula sa Our Lady of Peace Academy na nag-champion sa municipal level ng Tuy Mamang-os at Kambingan Festival at nanalo sa provincial level ng Ala Eh! Festival, IB Calingasan, Ma. Paz Fronda at Jose Lopez Manzano.
Mula sa mahusay na choreography ng kapitan ng Brgy. Poblacion Zone 12 ng Taal, Batangas at dating TV dancer na si Ederich Atienza at sa assistant nito na barangay tanod na si Coy Cuasay at sa pakikipagtulungan ng mga masisipag na teacher ng nasabing paaralan na sina Ma’am Sale (principal ng OLPA), Ma’am Dayan (principal of IB Calingasan), Ma’am Precious, Ma’am Weng, Sir Ronnel, Sir Manny (coordinators), Ma’am Eva Avejero (Municipal Accountant) at sina Mommy Thess, Mommy Nunay at Yaya Ritz.
John’s Point
by John Fontanilla