AFTER ERICH Gonzales, ang mahusay na Japanese actor/singer/director na si Jacky Woo ang next na makakatrabaho sa bansa ni Mario Maurer. Matagal na palang balak ni Jacky na makatrabaho ang isa sa Thai top matinee idol na si Mario, kaya naman sa magandang resulta sa takilya ng Suddenly It’s Magic na pinagbidahan nina Mario at Erich, mukhang tuluy-tuloy na ang kanilang pelikulang gagawin nito na mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. at hatid ng MSV Entertainment and Productions.
Kung saan kukunan ang mga eksena sa Pilipinas at sa Thailand sa mismong bansa ni Mario. Magsisimulang gumiling daw ang kamera sa pagsasamahang pelikula nina Mario at Jacky kapag naayos na ang schedule nila na parehong busy sa dami ng proyektong kanilang ginagawa.
Ito raw ang next movie na gagawin ni Jacky pagkatapos nilang gawin ang Death March na si Direk Adolf Alix din ang director. Bukod kay Mario, may mga Filipino stars din daw na makakasama sa nasabing proyekto.
NAGING MATAGUMPAY at dinumog ang premiere night ng pelikulang Dormboys na ginanap sa Cinema 2 ng SM Megamall kamakailan na pinagbibidahan nina Arron Villaflor, Carlo Lazerna, Ryan Kevin, Arvic Rivero at Renz Michael at sa mahusay na direksiyon ni Armando A. Reyes.
Ayon kay Direk Arman, ito raw bale ang updated version ng hit movie noong dekada ’80, ang pelikulang Dormitoryo (1982), na dinirek din ni Armando at pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Alfie Anido, Mark Gil, Arnold Gamboa at Roderick Paulate.
Halos lahat ng bida sa Dormboys ay magaling umarte, pero ang baguhang young actor na si Renz Michael ang nakitaan namin ng lalim sa pag-arte at malaki ang tsansang mas maging mahusay na actor kapag nabigyan ng magagandang proyekto after Dormboys.
At kahit nga baguhan ito, hindi siya nagpatalbog sa acting kay Aaron Villaflor na matagal na rin sa industriya at sa mga kasamahan niyang palagi nang napapanood sa commercials.
Bata pa raw si Renz, gustung-gusto na niyang umarte, kaya naman daw nang mabigyan siya ng pagkakataong makasama sa Dormboys, ibinigay niya ang kanyang 100%, para nang sa ganun ay mas dumami pa ang kanyang proyekto.
Mapapanood na ang Dormboys sa SM North EDSA, SM Fairview, SM Megamall, SM Sta. Mesa, SM Manila, SM Mall of Asia, SM Southmall, SM Pampanga, SM Calamba, SM Bacoor, SM San Pablo, SM Cebu, SM Tarlac at SM Baguio.
ISAW RAW sa kamumuhiang character sa Paroa, Lihim ng Mariposa ang role ni Betty na ginagampanan ng Tweenstar at isa sa pinakamahusay na batang kontrabida ng GMA 7 na si Rhen Escaño.
Ayon nga kay Rhen, paniguradong marami na namang manonood ang maiinis at magagalit sa kanya, dahil mas mataray raw siya rito kumpara sa role niya bilang si Lucy sa defunct teen show na Tweenhearts .
Aapihin niya raw at pahihirapan nang husto rito si Barbie Forteza na siyang gumaganap bilang Mariposa, kaya naman expected na niya na dadami na naman ang kanyang haters mula sa mga tagahanga ng kasamahang Tweenstar.
Bukod sa Mariposa, regular ding napapanood si Rhen sa Walang Tulugan With The Master Showman tuwing Saturday midnight bilang isa sa teen co-host ni Kuya German Moreno.
John’s Point
by John Fontanilla