Jacky Woo, balik-trabaho sa bansa matapos maaksidente sa Japan!

PILIT NAMING INIINTRIGA ang bagong child wonder na si Jillian Ward na mas marami ng sikat na child actresses sa kanya ngayon. Sabi pa namin, tila natatalbugan na rin siya dahil wala pa siyang bagong show after Captain Barbell.

Imbes na patulan ang pang-iintriga namin, sinagot kami ng batang makulit pero cute na si Jillian na, “Okey lang po iyon. Mas marami, mas masaya!” at walang nagtuturo sa kanya ng sagot na iyon, huh! Parang matanda kung sumagot ang bagets! Talbog!

Pero sa true lang, may bagong show si Jillian sa GMA-7, ang Daldakina , dito title role na naman siya.

“Kitam, kayo lang , eh. Huwag kayong maiinip kasi maraming shows ang GMA-7. Marami silang bagong shows na gagawin at maraming artistang mabibigyan ng trabaho,” sey sa amin ni Jillian.

Nalungkot lang si Jillian nu’ng malamang nag-ober da bakod na rin si Gelli de Belen sa TV5 na siyang dapat gaganap na Nanay niya. Sey ni Jillian, “Gusto kong maging nanay si Tita Gelli kasi mabait siya at maganda pa at lagi pa akong binibigyan ng foods at chocolates sa taping. Masarap siyang kasama.”

Eniwey, mukhang tuloy na tuloy na ang Daldakina dahil balitang nakakuha na ng kapalit ni Gelli. Ang kalurkey lang, mula naman sa ABS-CBN ito na lumipat na sa GMA-7.

Abangan!

NARITO NANG MULI sa Pilipinas ang Japanese actor na si Jacky Woo at dito na siya magpapagaling ng tinamong aksidente sa isang TV series na ginawa niya sa Japan. Nasaktan si Jacky nang lumundag siyang naka-harness sa 80 feet na sana’y 60 feet lamang. Ginusto kasi niya na mas mataas pa sa 60 feet ang lulundagin kaya ayun, nasaktan ang kanang kamay niya, paa at binti.

Nag-alangan nga ang harness crew pero ‘yun pa rin ang ginawa ni Jacky. Buti na lamang at one good take ‘yun kaya hindi na inulit ang eksena at okey lang kay Jacky na nasaktan siya

Bokuden Tsukahara ang pamagat ng NHK series sa Japan na ipalalabas na ngayong Oktubre, kung saan ang role ni Jacky ay kalaban ng pinakamagaling sa Samurai na si Bokuden. Dito, makikita naman ang husay rin ni Jacky sa Samurai na sinasabi ring expert siya.

Sa kabila ng aksidenteng natamo ay patuloy pa rin sa pagti-taping si Jacky ng Pepito Manaloto at Bubble Gang. Natutuwa sina Michael V. at Ogie Alcasid dahil sa ipinapakita ring timing at husay ni Jacky sa comedy.

Gagawa pa rin si Jacky ng mga pelikula rito sa atin. Katunayan, next week ay gagawa na siya ng final casting sa next indie films na gagawin niya. Gustong makasama ni Jacky ang mga sikat nating artista gaya nina Michael V, Ogie, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Marian Rivera, Rhian Ramos at si Solenn Heussaff.

Bongga!

MATATAPOS NA PALA ang kontrata ni Marvin Agustin sa GMA-7 kaya may posibilidad na bumalik siya sa ABS CBN or kung may offer sa TV5 mala-Mang Kepweng, du’n na siya lilipat. Or kung hindi naman, baka sakaling mag-stay siya sa Siyete since may bago siyang show rito o baka i-renew naman ang kontrata niya.

We’re happy for Marvin kasi hindi lang masipag na negosyante ito, responsableng ama pa sa kanyang kambal na anak at isa rin sa pinakamahuhusay nating aktor ngayon. Hindi rin nawawalan ng project si Marvin sa pelikula man o sa TV dahil hindi siya namimili ng role. Nagbibida man siya, open din siya sa pagganap bilang kontrabida. Katunayan sa huling serye na ginawa niya sa GMA-7, ang Beauty Queen, kontrabida man siya, nagmarka naman ang pagganap.

Sa pelikula, malamang makuha na niya ang inaasam na “best actor award” sa iba pang award -giving body next year para sa mahusay niyang portrayal bilang guro na kinidnap ng mga rebelde at pinugutan pa ng ulo sa pelikulang Patikul. Napanood namin ang movie sa nakaraang Cinemalaya Independent Filmfest at masasabi naming lumutang si Marvin sa pelikulang iyon.

Marami nga ang nakisimpatya sa role niya kaya naman masasabing Marvin was so effective sa role niyang iyon. Well… sana nga makuha na ni Marvin ang matagal nang inaasam na award na he truly deserved sa pelikulang nabanggit.

‘Yun na!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleFrancine Prieto at Bobby Yan, break na!
Next articleAiko Melendez at Jomari Yllana, kinikilig pa rin sa isa’t isa!

No posts to display